CHAPTER 31

6K 113 1
                                    

CHAPTER 31




Tatlong araw na ang nakalipas simula ng kasunduan namin ni Nevo.

Apat na araw nalang ay lalayo na sya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mapatingin ito sa akin at ngumiti.

"Tara kain na tayo." Sabi nito.

Tatlong araw na rin syang namamalagi dito sa bahay.

"Busog pa ako." Sabi ko rito.

"Oh sige." Sabi nya at pumunta na sa kusina.

Kinakabahan ako dahil unti-unti ng nakuha nya ang loob ko, nakakatakot pero iyon ang totoo.

Tatlong araw palang pero parang talo na ako.

Sobrang bilis.

Dumating ang gabi ay lumabas ako ng balcony.

Napatingin ako sa kalangitan.

"Kumusta ka na dyan anak?" Sabi ko habang nakatingala sa langit.

"Miss na miss ka na ni mommy." Sabi ko at bumagsak na ang mga luha ko.

"Sana mas nakasama pa kita ng matagal." Sabi ko sabay pahid ng mga luha ko na ngayoy ayaw ng tumigil kakabagsak.

"Tulungan mo ako Serenity... di na alam ni mommy ang gagawin."

Ilang minuto pa ay naramdaman kong may nakatayo sa likod ko.

"Bakit ka narito?" Tanong ko.

Lumapit ito at tumabi sa akin at tumingala sa langit.

"Sana maging masaya na si Serenity." Biglang sabi nito.

Hindi lamang ako nagsalita.

"Alam kong nakasala ako Fernia... Pero sana naman tanggapin mo na ako. Sana kalimutan na ang nangyari noon." Sabi nito habang nasa malayo ang tingin.

Tiningnan ko sya at agad ring binawi.

"Hindi madali ang magpatawad Nevo. Lalo na't sobrang lalim ng sugat dito sa puso ko."

"Sobrang hirap Nevo... gusto kong mamatay narin pero hindi ko kaya. Iniisip ko ang anak ko sa sinapupunan ko." Sabi ko at nagbagsakan ulit ang mga luha ko.

"Sobrang hirap mag-isa Nevo. Kung kailan kailangan kita pero wala ka..."

"Kung kailan gusto ko ng karamay pero ikaw na mismo ang nagpaalis sa akin."

"Di mo dama ang sakit na nararanasan ko. Sobrang nainggit ako dahil nakasama mo si Serenity." Patuloy ko.

"Pero ako? Saglit lang Nevo." Napahagulhol ako.

"Kaya please, intindihin mo ako..."

"Intindihin mo ako kung di kita mapapatawad agad dahil sariwa ang sugat dito." Sabi ko sabay turo sa puso ko.




-
To be continued

TWS#3: Wife For Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now