CHAPTER 11

5.6K 117 1
                                    


CHAPTER 11




Kanina pa ako hindi mapakali. Nagsimula na rin silang magdesinyo sa party para mamaya sa birthday ni Serenity.

Pero hindi man lang ako makatulong dahil kanina pa lumilipad ang utak ko.

Maaari nga ba? Possible dahil nagkaamnesia ako noon.

Pero natatakot ako... kung anong dahilan kung bakit wala dito si Fernia.

"Mommy!" Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Serenity.

Napalingon ako dito at nakabihis na sya.

"I prepared you dress. Pumunta ka sa kabilang guest room nandoon ang dress mo at make up artist." Nagulat ako sa paglitaw ni Nevo.

"Sige." Sabi ko at lumabas na, hindi ko man lang sya tiningnan.

Agad akong pumasok sa kabilang guest room.

Sinalubong ako ng mga baklang mag me make up sa akin.

"Maligo ka na miss. Nakahanda na ang bath tub." Sabi ng isang bakla.

Tumango ako at pumunta na sa bath tub at nilubog ang sarili doon.

Ilang minuto muna akong nagmumuni bago napag-isipang lumabas.

"Make-upan ka namin." Ani ng bakla kaya naupo ako sa silya.

"Alam mo ma'am kahit wala kang make-up ang ganda mo parin. Bagay talaga kayo ni sir." Sabi ng bakla habang nilalagyan ako ng foundation.

Tahimik lang ako.

"Tahimik mo naman masyado ma'am."

"Pasensya na may iniisip lang." Sabi ko dito.

"Asawa mo ba si sir?" Tanong ng bakla.

"Hindi ko alam..." Sabi ko dahil hi di ko naman talaga alam.

"Ay may ganon? Sa akin nalang si sir sobrang hot nya talaga." Ngumisi na lamang ako.

Matapos akong make-upan ay pinabihis na nila ako ng dress.

"Oh my god! Ang perfect ng katawan mo!" Sabi nito.

Kulay pulang tube slit dress. Kitang kita ang cleavage ko.

"Ang laki naman ng dede,penge!" Sabi ng bakla habang kinapa ang dibdib. Natawa nalang ako.

"Salamat." Sabi ko dito.

"Kulutin mo na natin ang buhok mo, sa ibaba lang." Sabi nya.

Kaya umupo ulit ako.

"Perfect!" Nagpalakpakan naman ang dalawang bakla.

"Naalal ko tuloy yung last na minake-upan natin. Kakainggit mga ganda!" Sabi nang isang bakla.

Pumasok naman si Nevo at si Serenity.

"Ang ganda mo mommy, right Dad?" Sabi ni Serenity.

"Yes, you're so beautiful..." Sabi ni Nevo.




"... Fernia." Mahinang sabi nito pero di ko narinig.



-
To be continued

TWS#3: Wife For Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now