CHAPTER 23

6.3K 128 2
                                    

CHAPTER 23




"Sino ba yon Mommy?" Tanong ng anak.

"He's the father of Serenity." Sabi ko dito.

"So Sevirous and me is his child?" Tanong nito.

May kakambal si Serenisia, si Sevirous.

Hindi ako nakasagot sa tanong ng anak. Hindi pa ako handa.

Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive at hindi pinansin ang tanong ng anak.

Nang makauwi kami ay agad kaming sinalubong ni Sevirous, nandito rin ang lalaki kong kapatid.

Sya muna ang pansamantalang nagbabantay kay Sevirous dahil ayaw nitong sumama sa amin dahil malulungkot lamang daw sya.

"Daddycle!" Daddy uncle ang tawag nila sa kapatid ko.

"Why so early mama?" Tanong ni Sevirous sa akin.

"We saw a man! Mommy said it's ate Serenity's father!" Masayang sabi ng anak.

Napakunot ang noo ni Sevirous. Katulad sya ng ama sobrang talino at parang matanda na itong mag-isip.

Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako para siguroduhing okay lang ako.

Pumunta ako sa balcony para makapaghangin at makapag-isip isip.

"Nakita mo si Nevo?" Tanong ni Kuya Luis.

Tumango ako at napatingin sa kanya.

"Alam na nya ba?" Tanong nito.

"Di ko alam, nagtanong sya pero di ko sya sinagot." Sabi ko dito dahil totoo naman, hindi ko alam.

"Panahon na para malaman nila kung sino ang ama nila. Panahon na para malaman ni Nevo na may anak kayo Fernia. Hindi habang buhay matatago mo ang sekretong iyan." Sabi ni Kuya.

"Hindi ko kaya Kuya... Nandito pa ang bigat sa dibdib ko. Ayaw ko na, ayoko nang masaktan."

"Kung mahal mo, magtataya ka." Sabi nya kaya napatingin ako dito.

"Kung mahal mo rin ang mga anak mo, sabihin mo sa kanila. Malaki na ang anak mo at maghahanap na rin yan ng ama." Sabi nito.

"Susubukan ko..."

"Wag mong subukan Fernia, gawin mo." Sabi nito kaya napangiti ako at tumango.

Niyakap nya naman ako.

"Nandito lang ako palagi para sayo kapatid ko." Sabi ni Kuya.

Oo, panahon na rin para humarap sa sarili kong takot.




-
To be continued.

TWS#3: Wife For Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now