CHAPTER 21

6.2K 134 3
                                    

CHAPTER 21



Ito na ang araw ng libing ni Serenity.

Ilang araw narin akong iniiwasan pagkatapos ng nangyari noong isang linggo.

Hindi ko sya masisi pero hindi nya rin ako masisi.

Sobrang sakit. Ina ako e, hindi dapat kinukwestsyon yon! Pero ang akala naman nila madali lahat sa akin!

Hindi... kailanman di madali sa akin ito.

"Serenity... Patawarin mo si mama." Sambit ko.

Unti unti nang pinasok ang kabaong nito sa loob.

"Teka lang! Teka lang..." Sambit ko.

"Isang sulyap nalang...please." Tumango ang mga lalaki.

"Mamimiss kita anak. Mahal na mahal kita. Sana magkita pa tayo ulit... di kaya ni mommy nang wala ka."

Sobrang sakit sa puso ko. Sobrang bigat,napakabigat.

Kung alam lang ni Nevo ang nararamdaman ko.

"Ipasok nyo na yan." Utos ng daddy ni Nevo.

"Serenity! Serenity... Anak ko!" Nagpapadyak pa ako dahil wala na akong magawa. Ito na ang huling araw na masisilayan ko ang mukha nito.

"Serenity..." Napaupo ako.

"Paalam na anak ko..." Sambit ko.

Unti-unti akong tumayo at tiningnan si Nevo.

"Ito na ng huli nating pagkikita. Sana maging masaya ka, sana ay wag mong kalimutang minahal kita at mahal kita Nevo. Masakit sa akin ang pagkawala ng anak pero kung alam mo lang... Patawad." Yumuko at umalis na sa harapan nya.

Kakamatay lang ng anak ko pero may karugtong pa palang sakit.

Gusto kong maging matatag dahil gusto kong makita ni Serenity na kaya ng mommy nya. Malalagpasan ko ang lahat ng sakit.

"Panginoon... bakit si Serenity pa? Bakit di nalang ako?" Sabi ko habang nakatingala sa langit.

Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikirapamay sa mga luha ko. Nakikiramay sa sakit at puot dito sa puso ko.

Anak, Serenity. Bantayan mo ako ha at...



Ang kapatid mo sa tiyan ko.




-
To be continued.

TWS#3: Wife For Rent (COMPLETED)Where stories live. Discover now