MNL #75 : Apartment

374 19 4
                                    

Apartment

Bagong lipat pa lang ako sa murang apartment na nirentahan ko. Malapit lang ito sa aking work place kaya ino-ohan ko na para tipid na rin sa pamasahe.

Unang gabi pa lang bago ako matulog, Nakislap-kislap ang ang ilaw dito sa aking kwarto. Gawa ng hindi ko pa naayos lahat maging ang ilaw na iyon.

Habang nagpapatay sindi ang ilaw sa loob ng kwarto ko, tila napansin ko ang glow in the dark na painting. Sa katunayan namangha pa ako nung una sapagkat ngayon ko lang nakita na may nakasabit pa lang painting sa dingding.

Pinatay ko na ang ilaw upang makita ko na ang kabuan ng larawan iyon sapagkat nakakamangha talaga. Tinitigan ko iyon ng mahabang minuto. Habang nakatalukbong at tanging mukha ko lang ang nakalabas sa kumot dahil sa malamig rin ang panahon.

Makailang minuto pa, unti-unti kong naaaninag sa painting na pigura iyon ng isang lalaki. Natakot ako ng mga sandaling iyon sapagkat tila nakatingin rin sya saakin.

Titig na titig sa posisyon nyang iyon kaya napataklob na lang ako. At habang nakatalukbong ng mahabang oras, ay nakatulog na rin ako sa ganoong posisyon.

Kinaumagahan, pagbagon ko ay mas nanghilakbot ako.

Dahil sa akala kong painting ay isa pa lang bintana.

Manila EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon