Chapter 11

1.4K 26 6
                                    

Charice POV

Ilang sigundo na lang dadating na si Joshua dito.

3

2

1

*Beep. Beep.*

Oha! Alam ko agad. Paano ba naman tuwing 6:45am SHARP lagi niya akong sinusundo dito sa bahay. Sabay kaming pumasok, kumain ng lunch, mag-recess, umuwi. PInagkakamalan ngang kami eh, pero friends lang kami; parang bestfriend, ganun.

Lumabas na ako ng bahay tutal gayak na naman ako eh. Si Joshua ayun nakasandal sa kayang kotse. Gwapo at mabait naman si Joshua, nirerespeto din niya ang babaeng katulad ko. Kaya nga mahal ko si Joshua eh...... As friend. =) Ewan ko nga ba kung bakit ayaw niyang magkaroon ng girlfriend eh.

"Good morning." Sabi sa akin ni Joshua habang nakangiti.

"Good morning din." Tapos ngumiti din ako sa kanya. Tapos pinagbuksan niya ako ng pintuan tapos pumasok ako then siya naman ang pumasok sa kabilang pintuan ng sasakyan.

***School

"Woah! Sila ba ni Campus Princess at Campus Prince?" Sianga pala, Campus Prince si Joshua dito sa school namin kaya kilala din siya.

"Ewan? Pero base sa mga napapansin ko, parang sila."

"Aww. Campus Prince and Campus Princess are together? Perfect match! Maganda si Charice at gwapo naman si Joshua."

"Oo nga pero dati naman ang kasama ni Charice eh si Charles na dating Campus Nerd na naging Campus Heartthorb ngayon. Anong nangyare sa kanila?"

"Hmmm? Ang alam ko eh gawa nung dumating na transferee sa school natin. Si Jamaica Henares ba. Alam ko eh sila na ang magkasama ngayon ni Charles."

Iyan ang mga naririnig ko sa hallway papuntang classroom namin. Lagi kaming pinagkakamalan na kami kung minsan nga eh may kumakalat sa website ng school namin pero mga hindi alam ng techers na meron palang ganun na puro picture namin ni Joshua. Naka-highlight pa nga dun eh "The Campus Prince and The Campus Princess are dating?" Ang daming paparazzi namin pero binabalewala lang namin yun kasi alam namin ni Joshua na friends lang talaga kami.

Pagkapasok pa lang namin sa room namin eh nakatingin si Charles nang masama tapos eto namang si Jamaica eh nakasimangot. Anong nangyare sa kanila?

Jamaica's POV

Galit sa akin si Dave paano ba naman dahil kinuha ko daw yung cellphone niya at pinakelaman. Tapos sinabi ko naman sa kanya na gusto ko lang malaman kung ano ang problema niya. Tapos sabi naman niya na wala naman daw akong karapatan na kunin ang cellphone niya at pakelaman. Wag daw akong makialam sa may gamit ng may gamit. So ako pa ang masama ngayon? WTF!

Labasan na, hindi pa din kami nag-iimikan ni Dave. Gahd! I want to talk to him! Hindi ako sanay na nag-aaway kami. >.<

Sinundan ko si Dave papuntang parking lot at pumunta kina Charice at Joshua. Tumago muna ako mga halaman sa tabi na rinig at kita ko sila.

"Cha-Charles?" Gulat na gulat si Charice.

"Pare, anong ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Joshua kay Dave.

"Wag na wag mo akong tatawagin na pare! Hindi kita ka-close!"

"Ano bang problema mo ha?" Kalmadong tanong ni Joshua kay Dave. Si Charice naman parang kinakabahan ang hitsura.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko Joshua."

"Ha? Bakit naman? Wala akong ginagawa sayo ah."

Campus Nerd turns to Campus Heartthrob (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon