Epilouge

1.6K 28 4
                                    

Charice POV

Nasa Pilipinas na ulit ako noong Wednesday pa. Sinabi ko agad kay Joshua, syempre siya yung friend ko eh. May usapan pati kami 'non. HAHAHA! Hindi ko sinabi kung saan ako nagii-stay ngayon, basta ang sabi ko lang ay a-attend ako sa Reunion, which is gagawin na mamaya. Saturday na kasi ngayon. Oo, alam ko na may Reunion kami, member ata ako ng group ng class namin noon sa FB. xD

Sa loob ng dalawang taon ko sa America, pinipilit kong kalimutan si Charles, pero wala eh, mahal ko pa rin siya. Hindi magawang makalimot at mabura si Charles sa puso at isipan ko. Nami-miss ko ang kanyang mga ngiti at halkhak. Hindi ko alam kung may girlfriend na ba siya ngayon o kung kamusta na siya. Kung meron man siya, I think its time to move on. =)

Nami-miss ko din naman ang presence ni Joshua. Paano ba naman siya lang kaya ang kasama ko simula noong iniwan ako ni Charles. Para ngang tinuring ko siyang kapatid eh. Nami-miss ko ang kakulitan niya. Hindi ko alam kung may girlfriend na siya ngayon. Nako! Kung wala pa, papa-libre ako sa kanya. xD

Si Jamaica, kamusta na kaya siya? Friend ko na din siya, lagi ko siyang ka-chat sa FB eh, pagminsan nga nags-skype pa kami. Lagi nga din niyang kinu-kwento si Charles sa akin. Sabi pa niya, give up na daw siya kay Charles kasi mas deserving daw ako kaysa sa kanya. Pati mahal na mahal daw ako ni Charles eh, kinuwento din niya yung umalis ako sa bansa. Pumunta pala siyang airport kaso hindi na niya ako nakita.

Nag-aayos na ako ng aking sarili para mamaya sa Reunion namin. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Siguro gawa na makikita ko ulit sina Joshua, Jamaica at Charles? Hindi naman daw ata pupunta si Charles sa Reunion sabi ni Joshua, palagi daw yung busy eh simula noong umalis ako. Kaya nga may lakas loob akong pumunta sa Reunion kasi wala si Charles. Parang hindi ko kasi kayang makaharap siya. Natatakot ako, baka ako na lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa. =/

Jamaica's POV

"Dave, aattend ka ba?" Sabi ko kay Dave nung sagutin niya ang phone call ko.

(Bahala na.)

"Magsisisi ka kung hindi ka aattend." Sabi ko sa kanya.

(Ano bang sinasa----) I hung up.

Hay Dave, kung alam mo lang, nandito na ulit si Charice. Kung gusto mo siyang makita, um-attend ka sa Reunion ngayon. Baka may maka-una pa sayo at mas lalong magsisi ka pa. Kakapagod kayang magcomfort sayo, daig pa ang babae eh. Tsk! Laughtrip lagi ako eh. xD

*Beep. Beep*

Oh, nandyan na pala ang susundo sa akin, si Babe ko. Ang sweet talaga niya. ^////^

"Good evening Babe." Sabi niya 'nong makita niya ako sabay kiss sa noo ko. Aww, so sweet!

"Let's go." Dagdag niya.

"Ok, let's go." Then I flashed a smile. He escort me papuntang sasakyan niya at pinagbukas pa ako ng pinto. Ang sweet!

***

"Babe, do you think Dave will attend the Reunion?" I asked my babe.

"Hm? Ewan ko lang babe eh. Pero sana um-attend siya ng makita naman niya ang kanyang mahal na si Charice. Hahaha!"

"Sana nga babe, sana." Tapos nagdrive na siya papunta sa location ng Reunion namin.

***

Joshua's POV

Nandito na kami sa hall na gagawin ang Reunion ng batch namin. Ngayon ko lang ulit sila nakita, yung ibang kaklase ko noon na magka-love team, sila pa rin hanggang sa huli. Balita ko kinasal lang sila last month. Kita ko naman sa kanilang mga mukha na masaya sila.

Campus Nerd turns to Campus Heartthrob (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon