Chapter 14

1.4K 28 3
                                    

TWO YEARS LATER

Jamaica's POV

Ang daming pinagbago simula noong umalis si Charice. SI Dave, ayun ilang days ng umiiyak noon. Si Joshua naman isku'y laging nakabuntot sa akin! -_- Si ako? Ayun kino-comfort si Dave at iritang-irita kay Joshua.

Bakit ko kino-comfort si Dave? Eh alam ko naman na mas deserving si Charice kaysa sa akin. Pati alam ko naman na mahal ni Dave si Charice. Mahal ko pa rin naman si Dave as my childhood friend na nga lang.

"HUY!" Sabay kiliti sa tagiliran ko, yung biglaan ba.

"Ay kabayo!" Sino ba yun?! Kung makapang gulat naman!

"Hoy! Hindi ako kabayo. Tao ako, gwapong nilalang na tao!"

"Yabang ha!" Sabi ko

"Aba! Totoo naman ah!" Tapos nagmake face ako.

"Sianga pala Joshua, bakit ka ba nandito?!" Irita kong tanong sa kanya.

"Sinusundo kita! Tara na!"

"Abat-----HOOOY! SAAN MO AKO DADALHIN!" Bigla na lang akong hinila papuntang kotse niya. Noong una pumipiglas ako pero ang lakas niya! Bumigay na din ako.

Ang kulit din nitong lalaking ito. Magkasama lang kami kahapon tapos magkasama ulit ngayon?! Ay kakasawa na ang kanyang mukha! ><

"Hoy Joshua Salazar! Saan ba tayo pupunta ha! Isku'y lagi na lang tayo magkasama. Kakasawa na mukha mo! Pwe!" Iritang sabi ko sa kanya.

"Secret." Tamo ka naman oh! Pa-secret-secret pang nalalaman. Kakatamad tuloy, makatulog na nga muna.

***

"Jamaica, gising na nandito na tayo."

"Hmm? Nasan tayo?" Sabi ko habang iminumulat ang mata ko at umiinat.

"Sa paraiso." Sabi niya.

"Huh?" Nalilito kong sagot.

Lumabas siya ng kotse tapos umikot papuntang side ko at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas naman ako.

"Wow! *O*" Ang ganda! Paraiso nga! Laglag panga ko dun ay!

Ikaw ba naman ang makakita ng waterfalls, kulay blue na tubig, malulusog na mga halaman at puno, puro butterflies at kung ano-ano pa.

"Like it?" Tanong niya sa akin.

"No! I don't like it! I love it! Thank you Joshua!" Then I hug him. Mabilis lang. Shit! Anong ibig sabihin 'non? Bakit nakuryente ako noong hinug ko siya? ><

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Namumula?"

"A-ano? W-wala ito." Then I shook my head. Then he hold my hand. Oh god! May kuryente na naman!!

"Jamaica!" Tapos napahiga ako sa damuhan.

***

"Ok ka na ba?" Sabi sa akin ni Joshua. Nasa 'paraiso' pa din kami. Nahimatay ako gawa sa kilig. NAMAN! >///<

"Ah oo." Hindi talaga ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata, namumula ako eh!

"Mabuti naman. Pahiga ha." Tapos humiga siya sa lap ko. Pwesto namin ay nakaupo ako sa picnic mat tapos nakaupo ako na straight ang mga paa tapos humiga siya sa lap ko at pumikit. Eh?

"Huy!" Tawag ko sa kanya.

"..."

"Joshua!"

"..."

"Joshua Salazar tumayo ka na nangangalay ako." Pero syempre joke lang iyon.

"..." Tulog ata. Hinawakan ko ang kanyang buhok na parang sinusuklay gamit ang kamay ko. Mas gwapo siya pag tulog. Oo, gwapo siya. Kaya nga mahal ko itong lalaking ito eh.

WHAT???!!!

Fine! I'm in love with him! Ikaw ba naman ang laging binubuntutan nitong lalaking ito!

***

Naglibot-libot kami ni Joshua dito. Kami lang ang tao.

"Kanino itong lugar na ito?"

"Sa mom and dad ko."

"Wow! Ang yaman niyo talaga!"

"Hindi naman."

Kung ano-ano pa ang pinagkwe-kwentuhan namin habanfmg nag-uuli. Hanggang sa napagod na kami at umupo sa ilalim ng puno.

"Jamaica?"

"Hm?" Tapos tumayo siya kaya tumayo na din ako. Bigla siyang lumuhod.

"Huy Joshua! Tumayo ka nga jan."

"Can you be my girl?" Deretsong tanong niya.

----

Two update tonight. HAHAHAHA! Oh yan bawing-bawe na ha! xD

Offline na si puccalovesgaru. Hindi niya mababasa ito ngayon. HAHAHA! Waaaah! Wag mo akong sasabunutan!!! xD

OMO! Anong isasagot ni Jamaica kay Joshua? JoshCa (JOSHua & JamaiCA) Love team na ba? xD

VOTE.COMMENT.FAN!

XOXO,

Princess_Agatha

Campus Nerd turns to Campus Heartthrob (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon