Hi guys! Musta Pasko? ^^
Sige tatahimik muna ako at para masimulan na ang Chapter 5.
Enjoy reading!
--------------
--Karla--
"Good afternoon po Ms. Karla. Merry Christmas na din po."
Di ko na pinansin ang employee at dumiretso na sa office ko. Kulang pa ako sa tulog dahil sa kakaisip sa pesteng Mila na yun. Hay. Makapag-make up nga muna.
Binuksan ko ang computer ko at nagayos ng files. Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto ko.
"Ay ma'am---"
"Sinabi ko na bang pumasok ka?" pagtataray ko sa janitor na yun. Pagtapos nun ay bumalik siya sa labas at kumatok muli.
"Sige pasok." sabi ko sabay pasok nung janitor kanina. "Uh, ipasok mo pa." sabi ko.
"Ha? Ano po yun?" tanong ng janitor. Agad ko naman tong inirapan at sinabing, "None of your business, old man."
Nakakapagtaka. Wala si Joshua dito sa opisina. Kahit buksan ko lahat ng drawer sa table ko ay walang kung anong trace niya.
Natapos na din maglinis ang janitor.
"Ma'am, may pinapaiwan pala si Joshua sayo." sabay abot sakin ng envelope. Agad ko naman itong inagaw sa kanya at pinaalis na.
Nakaka-curious itong letter na to. Galing naman kay Joshua babes este Joshua lang pala ang letter.
Dear Karla,
Alam kong kasalanan ko na dun kita nilibre sa resto na yun. Sorry. Sana mapatawad mo ako.
Bago man akong magpaalam sa iyo ay sana malaman mo to..
Aalis na ako. Doon na ako sa Canada magtatrabaho. Mamaya na ang flight ko.
Paalam, Karla.
Joshua.
Ano? Doon na siya magtatrabaho?
Ok lang. Tutal may atraso siya sakin.
Pero...mahal ko siya. Ayokong mawalay siya sakin.
Tama. Pupunta ako sa airport.
-------------
"Wala na bang ibibilis yan?" sigaw ko sa taxi driver. As I expected, traffic.
Hindi lang nagsalita ang driver at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho kahit ubod ng traffic.
Sa wakas, nakarating na din.
Di ko kayang mawala siya sakin.
Mahal ko siya.
Ay deputa! Ang daming tao. Bisperas kasi eh.
Paano ba to? Baka di ko na siya maabutan.
Napaluhod na lang ako at nagsimulang humagulgol.
"K-Karla?"
Napalingon ako sa likod ko kung saan yung nagsasalita. Agad na napawi ang lungkot ko nang makita siya.
"Joshua..."
"Karla." at nagyakapan kami. Tumulo muli ang luha ko. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa tuwa.
"Please, don't leave me. I can't live without you. Please."
"Oo na. Di na ako aalis." muli niya akong niyakap.
---------------
Lumabas na kami ng paliparan at sumakay ng taxi para pumunta sa opisina.
"Dun ka na muli magtrabaho." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Life of a Boss (Updating)
HumorThis is a story of my life. A story of a fierce boss. Bakit? May problema ba? Ayoko magshare ng private info sa kung sino lang. -.- Pero may sasabihin ako sa inyo, . . . . Maawa na kayo kay Sr. Author, basahin niyo na ang story niya, as well as my...