Once again, good evening/morning po sa inyong lahat! Enjoy your Noche Buena. Merry Christmas! :)
Ok. Chapter 4 here we go!!
-------------
--Mia--
"Oy cook! Order ni Karla." sigaw ko sa isang cook dun. Ako naman ang may-ari kaya pwede ko silang utusan kahit kelan. At isa pa, alam nilang lahat na nagdisguise ako.
"Ms. Mia, ito na po ang order ng Table #17." sabi ng cook sakin. Agad kong kinuha ang order at pumunta sa Table 17.
Ay oo nga pala! Table #18 pala sila Karla. So it means na katabi ko lang sila.
Sinadya kong bagalan ang lakad ko dahil baka may pagusapan sila.
"Karla, alam mo ba kung kaninong restaurant ito? Sabi nila kay Mia Fernandez daw."
Bingo! May pinag-uusapan sila.
"Ay oo nga pala! Kay Mia pala to. Tutal andito ako, magsosorry na ako sa kanya." sabi ni Karla.
What? She wants to apologize? Duh. Kahihiyan ang ginawa niya sakin noh. Also, how dare she forgets my own restaurant? Parang di kami naging mag-bestfriends. Fake talaga.
"Sir, here's your order, Ham with Mashed Potato. And here's your-----" naputol ang sinabi ko sa kabilang table nang...
...tapunan ko ng champagne si Karla.
"Oops. Sorry." sabi ko habang natatawa pa. Sinasadya ko naman yon eh.
Agad siyang napatayo at humarap sakin. Basa ang kanyang ulo. Pati ang chest part ng gown niya ay basa. Pasalamat siya at isang glass lang yun.
"How dare you make my gown wet! Do you know how much is this?" sigaw ni Karla. Nilapit niya ang mukha niya sakin. "It costs more than your life." madiin niyang saad.
"Di ka ba nakakaintindi? Sorry nga diba? And ano pakialam ko kung mas mahal pa yang gown mo sa buhay ko. Sirain ko pa yan eh." sagot ko.
"Ikaw babae ka--" akma niya na akong sabunutan nang pinigilan siya ni Joseph.
"Ano? Dali. Labanan mo ako." sabi ko na may halong pangaasar.
"Bitawan mo ako. Uuwi na tayo." sabi ni Karla kay Joseph at binitawan naman siya nito.
"Sa susunod na magkita tayo, Mila Puny3ta, kalbo at skinless ka na. Makikita mo!!" sigaw niya sabay walkout. Sumunod naman dito si Joseph.
Napatawa ako nang mahina. Di pa tayo tapos.
Di pa tayo tapos.
-----------
--Karla--
Agad na akong lumabas sa resto na yon. Bwiset talaga yang Mila na yan. Kanina pa yan eh.
"Tara na. Sa ibang re--" napatigil siya sa sinabi niya nang sinampal ko siya.
"Te-teka..."
"Kung alam ko lang na may put@ng waitress dun, sana di na ako sumama sayo." sabi ko sa kanya. "Kaya ko nang umuwi mag isa. Don't follow me." dagdag ko. Di na siya nakapagsalita pa at yumuko na lang. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
Di ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Pinahiya ako ng lalaking yun, pati ng pesteng waitress na yon.
She's just a waitress, a very poor waitress. She's no match for me.
Pumara ako ng taxi sa kabilang street. Tumingin ako sa tapat at napansin kong wala na si Joseph.
Nakapara na ako sa taxi at sumakay na. Sinabi ko ang address ng bahay ko at nagdrive na.
Napansin ko na nakatingin si poor driver sakin.
"Whatcha lookin' at? Is this your first time to look at a virgin girl?" sabi ko sa kanya.
"Eh mam dis is not my pers taym to luk at bergin girls. I have some of dem at my celpon." at ibinigay niya sakin ang iPhone5 este iPhoneChina niya.
"No thanks. I know that you will show your collections of p*rn vids. I don't want to watch it." sabi ko.
Nagdrive lang siya hanggang makarating sa bahay ko. Binayaran ko na ang metro at pumasok na sa loob. Day off din pala ng mga katulong dito. Ano ba yan! Walang mautusan.
Pagpasok ko sa loob ay inilapag ko na ang clutch bag ko sa table at umupo na.
Nakakaasar talaga yang waitress na yan. Sinira niya ang araw ko.

BINABASA MO ANG
Life of a Boss (Updating)
HumorThis is a story of my life. A story of a fierce boss. Bakit? May problema ba? Ayoko magshare ng private info sa kung sino lang. -.- Pero may sasabihin ako sa inyo, . . . . Maawa na kayo kay Sr. Author, basahin niyo na ang story niya, as well as my...