Hello po! Sorry po kung kaunti lang yung updates sa mga nakaraang dalawang chapter ng story na to. By the way, sa mga nakabasa nitong story na to, salamat po.
Ok ito na po ang Chapter 7.
--------------------
--Karla--
"Huhuhu." iyak ng mga empleyado dun sa office. Pano ba naman kasi, wala na pareho yung Manager at CEO ng Fackers Company.
"Yes, yesssss!!!" sigaw ko dahilan para pagtignan ako ng mga employees.
"Grabe naman siya."
"Oo nga. Di man lang siya naawa sa manager at may-ari nito."
"Balita ko kasi siya na daw ang papalit bilang CEO."
"Naku, patay tayo diyan."
"Hoy! Mag tsismosa kayo, di ako natutuwa dahil namatay na sila. Natutuwa ako kasi...buntis ako." pagsisinungaling ko. Yung iba ay natutuwa. Yung iba naman ay dedma. Mga peste sila.
Ay oo nga pala. May iniwan pala silang sulat sakin. Basahin ko lang daw yon pag yumao na sila. Makapunta na nga sa opisina ko.
Pagpasok ko sa opisina ko ay nakasalubong ko si Joshua. Nakatayo lamang ito. Nginitian niya ako.
Ako naman ay dumiretso sa table ko para kunin ang letter.
Ayun! Nakita ko na.
Hay naku, papansin talaga tong boyfriend ko. Oo, boyfriend ko siya. Bakit? May problema kayo? Mahal ko na siya eh.
Hay tama na ang salita at mabuksan na ang sulat.
Mahal kong Karla,
Malapit na kaming mamayapa. Nasabi na namin sa iyo yan nung binigay ko sayo itong sulat na ito.
Gusto kong sabihin sayo na ipamamana namin ang mga kayamanan namin sayo. Isa pa, dahil na rin sa galing mo bilang boss, ikaw ang hahalili sakin bilang CEO nito.
Sana maging maayos ang pagpapatakbo mo ng kumpanyang ito.
Nagmamahal,
Mr. and Mrs. FackersNapatawa ako nang malakas dahilan para tingnan ako ni Joshua. Nagtaka ito kaya nagtanong siya.
"Ahh. Kasi magiging CEO na ako. Ikaw naman ay ihahire ko bilang manager."
"Napakaswerte ko talaga na may girlfriend akong boss." sabi niya.
Napatawa na lang ako. Haha. Kahit kelan talaga bolero talaga tong lalaking to.
"Also, pag may nagtanong sayo kung buntis ako sabihin mo oo." nagtaka siya. "At kung nagtanong ulit sila kung sino ang tatay sabihin mo..."
"...ikaw mismo."
----------------
--Joshua--
"Ha? ANO? Ako ang tatay?" sigaw ko. Bigla akong sinamaan ng tingin ni Karla.
"Wag ka ngang OA. Di naman ito totoohanin." sabi niya. Napabuntong hininga ako at sinabing, "Pano pag alam pa rin nila yun after 9 months? Anong sasabihin mo?"
"Syempre. Kunwari makukunan ako. Utak, Joshua. Utak. Hahaah." sabi niya.
Alam niyo, kahit masunget itong si Karla, mahal ko tong babaeng to. Tulad nga nung aalis na sana ako, nung pinigilan niya ako. Doon ko na talaga siya minahal nang todo.

BINABASA MO ANG
Life of a Boss (Updating)
HumorThis is a story of my life. A story of a fierce boss. Bakit? May problema ba? Ayoko magshare ng private info sa kung sino lang. -.- Pero may sasabihin ako sa inyo, . . . . Maawa na kayo kay Sr. Author, basahin niyo na ang story niya, as well as my...