Prologue

15 1 0
                                    

"Hindi ako ang pumatay sa prinsesa, alam ng diyos at ng lahat ng anito na hindi ko magagawa iyon sa ating prinsesa" halos magmakaawa na ako sa punong babaylan para lang mapatunayan na hindi ako nagkasala.

"Kahit anong sabihin mo Ariyah ikaw ang ituturo sa pagkamatay ng prinsesa kung totoo man na nakita ka ng oripun na iyon na may hawak ng patalim " ani ni Inang Bahawa yumuko siya at hinawakan ng maigi ang aking kamay.

"Pero hindi ko magagawa iyon Inang Bahawa, hindi ko kayang patayin ang prinsesa" halos ipagdasal ko na isang masamang panaginip lang ang lahat. Kung paano nakita ng isang oripun na hawak ko ang patalim na maaring kumitil sa buhay ng aming prinsesa.

"Naniniwala ako sa iyo Ariyah, sigurado akong hahaluglogin ng mga kawal ni Datu Bayaan ang buong Kaharian ng Meyas" ani ni Inang Bahawa.

"Tulungan mo ako Inang Bahawa kikitilin nila ako maging ang buhay ng aking pamilya maaring madamay sila dahil sa kamalian na ito"

"Wag mong isipin iyan Ariyah, tutulungan kita, isasama kita sa Gubat ng Aluwagi bilang pagsunod sa aking panata.

Halos hindi ko na makita ang kapaligiran dahil sa aking mga luha na pumapatak sa aking mukha. Hinawakan ni Inang Bahawa ang aking braso upang patayuin.

"Tutulungan kita at ang pamilya mo dahil naniniwala ako sa iyo "

"Salamat Inang.."

Mabilis  na pumasok ang isang oripun na nagngangalang Hilang sa kubo ng punong babaylan.

"Inang Bahawa nagsasagawa ng pangangayaw ang grupo ni Raja Ulman" mabilis na balita sa amin ng oripun na si Hilang.

"Dadanak ang dugo sa Kaharian ng Meyas Ariyah at ito ang tamang pagkakataon upang lisanin ang lugar na ito" ani sa akin ni Inang Bahawa.

"Hindi ko maaring basta lisanin ang Kaharian ng Meyas papatunayan lamang nito na ako ang tunay na pumatay kay prinsesa Bidasari" nanlulumo kong saad. Ang mga magulang ko, ang pamilya ko. Nilisan ko ang kubo na tahanan ng aming punong babaylan.Hindi ako tatakas, hindi ako ang pumatay sa aming prinsesa. Tanaw ko mula sa malayo ang aming Kaharian na unti unting tinutupok ng apoy. Hinatak ni Inang  Bahawa ang aking kamay.

"Ano mang oras ay maari na nilang matunton ang ating kubo ibinalita sa akin ng oripun na naglilingkod sa akin na wala ng buhay na mandirigma ang ating kaharian, kung pupuntahan mo ang iyong tahanan ay tiyak na madadakip ka lamang ng grupo ni Raja Ulman.

Malakas na pangalwang batingaw ang tuluyang gumising sa buong Kaharian ng Meyas. Sinugod ng mga pulutong ni Raja Ulman ang kaharian ng Meyas. Sumiklab ang napakalaking apoy na kagagawan ng pulutong ni Raja Ulman. Pinapatay ang bawat mandirigmang haharang sa kanilang daan. Ang mga babae at batang mamayan ay dinadakip upang gawing oripun.

"Ngayong gabi ay isasakatuparan natin ang pangangayaw sa kaharian ng Meyas, walang iiwang buhay na mandirigma lahat papaslangin" malakas na sigaw ng Raja sa kanyang pulutong. Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ng mga mandirigma ni Raja Ulman. Diretso ang lakad ng Raja Ulman patungo sa kinaroroonan ng Datu ng Meyas. Walang awa niya itong pinatay sa harap ng bihag na mamayan nv Meyas.

Labag sa aking kalooban ay sumakay kami sa mga kabayo. Nilisan namin ang kaharian patungo sa Gubat ng Aluwagi na pansamantala naming tutuluyan. Napakabilis ng pangyayari pumanaw ang prinsesa at asa kamay ko natagpuan ang patalim na maaring kumitil sa buhay ng prinsesa. Ang aming kaharian ay tuluyang sinakop ng pulutong ng ni Raja Ulman.

Tiningnan ko ang mga bituin sa langit. Umaasang mabibigyan ng kasugatan ang lahat ng nangyayari sa aking buhay. Ako ba ang pumatay sa mga mamayan ng Meyas. Tunay yata na isa akong walang kwentang babaylan. Walang kakayahan. Kung sana ay nakita ko sa aking pangitain ang pagsugod na ito ni Raja Ulman. Kung sana may kakayahan ako upang malaman kung paano namatay ang aming prinsesa.

"Oh Diyos ng Kalikasan patawarin niyo po ako sa aking mga kamalian, hindi ko kailanman ninais na  magdala ng kapahamakan" ngunit nanatiling tahimik ang langit. Isa nga pala akong babaylan na walang kakayahan. Kaya miski ang pakikipagugnayan sa diyos ay hindi ko magawa.

"Manalig ka sa Diyos ng Kalikasan at lahat ng iyong hiling ay matutupad" ani ni Inang Bahawa.

"Ngunit tila hindi nila ako napapakingan" umiiyak kong saad.

"Nakikinig ang mga bathala kailangan mo lang mag alay ng dasal at ito ay matutupad" ani ng Inang Bahawa.

Iniwan niya ako sa kadiliman ng gubat. Tama ang Inang Bahawa kailangan kong magalay ng panalangin. Mula sa mataas na puno ay inakyat ko ito hanggang marating ang tuktok. Isang ritwal ang aking isinagawa.

"Bathala ng Kalikasan tanggapin niyo ang alay kong buhay at bilang kapalit ay ang pagtama ng mga naging mali ko sa nakaraan" huling bigkas ko sa ritwal.

Ang Pangako ng BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon