Ikalawang Kabanata

4 1 0
                                    

Halos pigain ko na ang mukha ko sa kakaisip ng isasagot sa testpaper ko pero wala pa rin akong maisagot sa testpaper ko na halos blangko pa rin. Sinipa ko naman ang upuan sa harap ko. Pasimple namang lumingon si Kaye sa akin, sumenyas ako ng no.22 pero umiling lang siya sa akin. Ano ba yan feeling ko andali lang nito. Mga hindi rin ba nagreview itong mga katabi ko. Bat kasi dito ako pinaupo. Umubob naman ako ng kaunti at mula rito ay tanaw ko ang mga sagot ng katabi ko sa kaliwa. Mabilis kong isinulat ang ilang sagot niya. Grabe ang liit naman niyang magsulat. Lumingon naman si Faye sa akin at isinenyas ang sagot sa no.22

"Last 10 minutes passed your papers" paalala sa amin ng proctor namin.

Pinilit kong tandaan ang mga pinagaralan namin sa subject na to kaso wala talaga akong maalala. Hinulaan ko na lang ang ilang numbers na hindi ko talaga alam. Kinopyahan pa nga ako ng isang katabi ko. Grabe ang kapal ng mukha niya halos hilahin na niya yung testpaper ko.

Ipinasa ko na yung testpaper ko tutal kahit naman may marinig akong tamang sagot ay bale wala rin kasi nga erasure means wrong sa test naming iyon. Mabilis akong lumabas ng classroom, mamaya paglinisin pa ako diyan. Nahagip naman agad ng mata ko ang bestfriend kong si Nila na akala mo ay nasa isang music video.

"Sasabay ka ba sa akin sa paguwi" tanong ko agad sa kanya.

"Oo pero tambay muna tayo dito sa hallway may inaantay lang ako " mahinang bulong niya sa akin.

"Sino?" nagtatakang kong saad.

"Basta dito muna tayo, aalis rin tayo agad kapag dumaan na siya " nakangiti niya pang sambit. Halos limang minuto na kaming naghihintay ng mariin niyang kinapitan ang braso ko. Ano bang nangyayari sa babaeng ito. Sinundan ko naman ang tingin niya at napunta ito sa isang lalaki na matangkad. Nakadaan na ang lalaki sa harap namin kanina kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Mestiso ito at nakasuot ng itim na backpack. Binalingan ko naman ang bestfriend kong si Nila.

"Grabe nakita mo ba yun" masaya niyang saad.

"Hindi " maikli kong sambit. Isa pa pagod na ang utak ko dahil wala akong naisagot sa testpaper ko kanina.

"Maiba tayo, anong sagot mo sa tanong kanina sa subject na philosophy no.22 " pagiiba ko ng topic.

"Huh? Hindi ko alam kumopya lang din ako" ani pa niya.

"Hay sayang dapat pala sa gate na lang tayo tumambay para napagmasdan ko si Miguel ng matagal"

"Miguel?" sino ang Miguel na sinasabi niya. Parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon. Artista ba iyon.

"Duh si Miguel yung pangalwa kong crush" pagyayabang pa niya.

"Yung kanina" pangungulit pa niya.

Miguel, saan ko ba narinig ang pangalan na iyon. Parang sobrang pamilyar eh. Inalis ko na lang sa isip ko ang pangalan na iyon. Pumunta kami sa bagong bukas na bookstore. Walang pang sign board  na nakalagay sa labas kasi ngayon pa lang daw ang soft opening. Kami nga lang ni Nila ang nasa loob na customer. Balak kong bumili kahit isang libro lang na babasahin ko pag may free time ako. Nasa kaliwa ko si Nila ng may tumawag sa cellphone niya. Sobrang hina siguro ng signal kaya lumabas muna siya ng bookstore. Lumapit naman ako sa nagiisang tao dito sa bookstore. Siguro siya rin ang may ari.

"Meron po bang iba pang libro sa secondfloor" ani ko.Tumingin naman sa akin ang babae na ito na hula ko ay nasa late fourthy's na.

"Meron, kung gusto mo ay buy one take one na para sa iyo dahil ikaw ang kauna unahan kong customer" masaya niyang saad. Kaunang customer, hapon na pero wala parin siyang benta. Sabi ni Nila maraming share at like ang page ng bookstore na ito kaya pumunta kami rito. Pero bat ganun wala parin silang benta. Baka etchos lang naman si Ateng. Umakyat na ako sa itaas na parte ng bookstore. Tama nga ang tindera na iyon mas maraming libro dito at painting. Grabe napakaganda naman ng mga painting. Ang dapat sanang paglapit ko sa mga libro ay hindi ko na itinuloy at tuluyang lumapit sa isang painting na may napakagandang larawan. Isang napakaganda at linis na kapatagan. Marahil ay nasa mataas na parte ng lupa ang taong gumihit nito. Tiningnan ko ang ang pangalan ng napinta ng magandang painting na ito ngunit initial niya lang ang narito. Tila nakakahipnotismo ang ganda ng painting kaya mariin kong hinawakan ito at pilit na inaalis sa pagkakasabit nito. Sa sobrang lakas ng hila ko ay napigtal ang pagkakatali. Lagot, napahawak na lang ako sa mukha ko ng maaring pagtama ng napakalaking painting sa mukha ko.

Mariin kong ipinikit ang mata ko sa posibleng pagtama ng painting sa aking ulo pero himala at limang segundo na akong nakapikit ay hindi parin tumatama ang painting na iyon. Iminulat ko na ang mata ko at ganun na lang ang pagkamangha ko sa magandang tanawin na tumambad sa aking harapan. Grabe ngayon lang ako  nakarating sa ganitong kalinis na kapatagan. Ipagyayabang ko to sa bestfriend kong si Nila teka nasan na yung cellphone ko. Pinicturan ko ito ng marami. Tiyak na maiingit yun pag pinakita ko ang mga larawan na kinuhaan ko. Pero teka paano ako napunta rito. Hindi kaya nagsleep walking ako. Mali eh diba nasa bookstore ako tapos dapat tatamaam ako ng painting. Oh my God hindi kaya patay na ako at ito ang langit. Pero mukhang nasa Pilipinas parin naman ako. Patay na ba ako. Kinapa ko ang mukha ko. Hindi pa naman. Ngayon ko lang din narealize na nakasampa ako sa isang malaking sanga ng puno. Grabe ang tanga mo naman Ariyah. Nasaan ba kasi ako? Think Ariyah hindi ba ganito rin yung dati prinank ka din ni Nila baka prinank ka rin ulit nila. Oo nga no baka prinank ulit nila ako. Pero paano naman ako nakarating sa taas ng puno. Kumapit ako ng mahigpit para hindi mahulog. Mula sa malayo ay natanaw ko na agad ang isang babae na may weird outfit. Dadalo ba to sa pahabaan ng dress outfit festival. Hinigpitan ko na lang ang kapit ko at sumigaw.

"Help! Tulong !" malakas kong sigaw na halos mag echo na sa buong kagubatan. Dali dali namang lumapit sa akin ang babae na natanaw ko.

"Binibining Ariyah pakiusap bumaba na kayo riyan dahil kailangan niyo pang maghanda para sa pulong na gaganapin" ani niya na parang nakikiusap. Kilala niya ako. Hindi kaya prank na naman ito. O baka patay na talaga ako.

"Hindi ako makababa, tulungan mo ako " natatakot ko ng saad.

" Ano po bang pinagsasabi niyo kahit ipinagbabawal sa mga babaylan ang pag akyat sa mga matataas na puno ay magaling kayo sa bagay na iyan" ani pa niya. Hello wala namang puno sa amin poste ng Meralco meron. Tsaka binangit ba niyang babaylan.

Napagalaman ko na Liway ang pangalan niya. Tinulungan niya ako na makababa ng puno. Dinala niya ako sa isang kubo at iginayak ang mga susuotin ko.

"Paano mo nga ulit ako nakilala" nagtataka kong saad. Tumawa naman siya na tila nagsabi ako ng joke.

"Binibini isa kang babaylan kaya inatasan ako ng Datu upang magsilbi sa iyo"

"Isa akong babaylan "


Ang Pangako ng BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon