Unang Kabanata

15 1 0
                                    

Ipinanganak ako sa panahon na kung saan ang kalikasan ay itinuturing na buhay at hindi isang kasangkapan. Panahon kung saan ang pagkain ay nagmumula lamang sa kalikasan na aming sinasamba. Mga luntiang puno na pumapaligid sa aming mga tahanan. Malinis na ilog para sa lahat. Simpleng pamumuhay na aking kinalikahan. Lumaki ako sa paanan ng bundok ng Meyas. Sampu kaming magkakapatid at sa aming sampu ako ang itinuturing na may pinakamagandang kapalaran. Kapalaran na kailanman ay hindi ko ninais. Sa aming kaharian itinuturing na mapalad ang sino mang hirangin bilang babaylan. Ngunit ang  nais ko lamang ay maging isang manlalakbay gaya ng aking mga kapatid. Gusto kong libutin ang mga karatig bayan, tawirin ang mga naglalakihang dagat at akyatin ang mga bundok na natatanaw lamang ng aking mga mata. Ang mga nais ko ay magiging pangarap na lamang dahil sa aking kapalaran na magdidikta ng dapat kong gawin sa buhay. Ang kapalaran ay talagang makapangyarihan, walang makakatakas miski ang bathala ng panahon ay pinatuyan na walang makakatalo sa makapangyarihang tadhana. Mariin kong pinagmasdan ang malawak na kapatagan na aking natatanaw mula sa mataas na puno na aking kinalalagyan. Sigurado akong matagal bago ko muli mapagmasdan ang magandang tanawin na ito.

"Binibining Ariyah ano pong ginagawa niyo sa mataas na punong iyan, magsisimula na ang pulong sa para sa pagbibigay basbas sa mga manlalakbay patungong silangan at ang pagbati sa mga bisita" ani ng aking tagasilbi na si Liway. Ang bawat hinirang na magiging babaylan sa pagdating ng panahon ay inaalayan ng aming kaharian ng isang tagasilbi na siyang tutulong sa amin sa lahat ng bagay. Matagal na nagsisilbi sa akin si Liway kahit ito ay labag sa aking kalooban. Para sa akin ay hindi kailangang umikot ang buhay niya sa pagsisilbi sa isang tao na kagaya ko. Gaya niya ay isa lamang ako na simpleng tao, walang kakayahan  hindi kaparehas ng aming mga babaylan.Napukaw ang aking pagiisip ng muling tinawag muli ang aking pangalan.

"Binibining Ariyah pakiusap bumaba na kayo riyan dahil kailangan niyo pang maghanda para sa pulong na gaganapin" nakikiusap na pagsamo sa akin ni Liway. Agad ko namang inangat ang sarili ko sa malaking sanga na aking pinagkakaupuan. Itinaas ko ang baging at mariing kumapit diretso ang pagbaba ko gamit ang baging na nakadikit sa puno.

Mabilis na inahanda ni Liway ang aking susuotin para sa pagtitipon. Isang puting balabal na tumatakip sa aking mukha.Kasuotan gaya ng isinusuot ng mga babaylan. Napakaganda ng pagkakayari ng tela na ito, may burda ito kagaya ng simbolo ng araw.

"Siguradong maraming pagkain ang iaalay para sa salu salo na gaganapin mamaya" masayang ani sa akin ni Liway.

"Salu salo ?" nagtatakang kong saad.

"Pagkatapos ng pagbibigay basbas ng mga babaylan at ni Datu Bayaan ay magkakaron ng malaking salu salo" masayang sambit ni Liway. Tiyak kong nais niyang masaksihan ang masaganang pagtitipon na ito.

"Ang ibig sabihin ay dadalo rin ang binukot na si Prinsesa Bidasari"

"Tiyak iyon at tiyak rin na maghahandog siya ng awitin at kandu para sa lahat ng dadalo sa salu salo, hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang prinsesa Bidasari" masayang sambit niya at tila nangangarap na  isinukbit pa niya ang tela sa kanyang mukha pilit na ginagaya ang prinsesa.

Sumapit ang hapon at tuluyang nagsimula ang pagbabasbas sa mga manlalakbay at bisita ng aming Datu. Nakatakip ang puting tela sa aking mukha kaya hindi ko masiyadong makita ang mga bisita mula kanluran.Tumayo ang aming punong babaylan na si Inang Bahawa. Nagsimula siyang bigkasin ang mga dasal para sa aming manlalakbay patungong silangan. Pagkatapos ng mahabang dasal ay tumayo ang aming Datu at kasabay  noon ay ang pagbati niya sa mga bisita na nagmula sa kanluran. Sa patnubay ng aming punong babaylan ay isinagawa nila ang Sandugo bilang pagpapakita ng pakikipagisa sa aming kaharian. Nappikit ako ng hiwain ng Datu ang kanyang palad. Itinaas naman ng lalaki na may kakaibang kasuotan ang kanyang espada. Walang mababakas na sakit sa kanyang mukha ng hiwain niya ang balat niya para sa Sandugo. Ang lalaking tagakanluran na ito napakatapang niya tila hindi man lang siya natakot sa presinsya ng aming Datu.

" Dala ko ang kapayapaan bilang isang Heneral na isinugo ni Prinsipe Philip mula sa kaharian ng Espanya ako si Heneral Miguel Zaldua at ang aking mga kasama ay naparito upang ihandog ang aming mga regalo sa inyong kaharian at kasabay noon ay ang handog naming alyansa"  malakas niyang saad. Hinawakan naman ng kapwa ko babaylan ang aking kamay at may ibinulong siya sa akin.

"Masama ang nakikita ko sa lalaking iyan at ang mga kasama niya batid ng aking pangitain na gulo ang ihahatid nila sa ating kaharian" mahinang bulong sa akin ni Marilag. Hindi gaya ng ibang hinirang at hihirangin na babaylan ay wala akong kakayahan na makita ang mga pangitain sa hinaharap. Hindi ko alam kong mabuti o masama ang dala niya. Inilibot ng Heneral ang kanyang tingin sa mga babaylan na narito. Hindi ko mapigilang hindi tugunan ang tingin na ipinukol niya sa akin. May kapangyarihan man o wala sigurado na ako sa isang bagay. Maaring magdala lamang ng gulo ang kanilang grupo kaya ang aking panalangin sa aming Diyos na Kalikasan sana ay maging handa kami sa anumang unos na maari naming kaharapin sa kamay ng Ginoo na ngayon ko lamang nakita.

Sana nga ay kapayapaan ang iyong Handog. Ginoong Miguel Zaldua.

Ang Pangako ng BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon