"Ilang buwan mula ngayon ay hihirangin ka ng ganap na babaylan" masayang baling ng aking ina. Ngumiti na lang ako sa kanyang sinambit. Batid niyang hindi ko gustong maging isang babaylan ngunit ang pagtangi sa kapalarang ito ay isang malaking pagkakasala sa aming kaharian. Itinaas ko ang balabal sa aking mukha.
"Magtutungo po ako sa Burol ng Inang Bahawa"
"Ngayon ba ang araw ng pag aalay niyo ng dasal sa ating mga anito" masayang sambit ng aking ina.
"Opo ina " maikling sambit ko.
"Kung ganon dalhin mo ang mga prutas na ito bilang alay ng ating pamilya" paglalahad ng aking ina sa isang buslo ng mga prutas. Tumugon naman ako sa kanya. Malayo ang burol ng Inang Bahawa. Mayroong maliit na kubo ang itinayo ang aming kaharian para sa aming punong babaylan. Bago marating ang burol ay kailangan ko munang tawirin ang aming lawa ng Meyas.
Itinaas ko ang aking saya upang hindi mabasa ng tubig. Isang mahabang lakarin ang aking dapat suongin. Diretso ang aking lakad ng may maramdaman akong mga kaluskos. Inalabas ko ang balisong sa aking dalang buslo. Tumigil ako sa paglalakad. Isa kayang mabangis na baboy ramo ang makasagupa ko. Mabilis akong lumingon ng makita ko ang isang lalaki na mayroong duguan na balikat. Ang bisitang taga kanluran.
"Anong kailangan mo ginoo"
"Hindi ako naparito upang magdala ng dahas ang nais ko lamang ay matunton ang kubo ng mangagamot ng inyong kaharian" ani niya. Para sa isang taga kanluran ay napakagaling niya sa aming wika.
" Ang aming punong babaylan " ani ko.
" Maari mo ba akong samahan binibini" walang gatol niyang saad. Hindi siya nakangiti ngunit kakaiba ang anyo niya kumpara noong nakita ko siya ng ginanap ang sandugo.
" Isa ka sa bisita ng aming Kaharian kaya dapat lamang na tulungan kita" tila nagliwanag ang kanyang mukha sa aking tinuran. Naging tahimik ang paglalakad namin. Tuwing sumusulyap ako sa kanya ay naabutan ko siyang nakatitig sa aking mga dala.
" Kung nais mo bilang kabayaran ay ako na ang magdadala ng buslo na hawak mo" ani niya.
" Tungkulin ng mga mamayan na paunlakan ang bisita ng aming Datu kaya hindi mo kailangan ibalik ang kabutihan na ipinakita ko"
"Kung ganon ay ikaw marahil ay nasa salu salo ng gabing iyon" tila namamangha niyang saad.
"Naroon ako sapagkat ako ay tumutulong sa aming Babaylan" maikling paliwanag ko.
"Ikaw marahil ay kamag anak ng Datu " ani niya. Napakarami niyang tanong tila nalimot niya ang kalagayan ng kanyang braso.
"Hindi ako kapamilya ng Datu, isa ako sa hihiranging babaylan pag dating ng tamang panahon. " natahimik siya sa aking sinabi. Mahabang lakaran ang aming sinuong. Inilahad ko ang banga na may lamang tubig.
"Inumin mo ang tubig na ito dahil tiyak kong nanghihina ka na"
"Hindi ko matatangap iyan dahil para sa iyo ang tubig na iyan" mariin niyang pagtangi.
"Kung ganon ay tangapin mo ang prutas na ito" inabot ko ito sa kanya. Hindi na siya tumangi at nagpasalamat na lamang.
Naging tahimik ang paglalakad namin. Narating namin ang kubo ng punong babaylan. Binati kami ng oripun na si Hilang.
"Hilang nasaan na ang Inang Bahawa"
"Nagtungo siya sa ilog ng Meyes, ngunit ano mang oras ay darating na siya"
Bumaling ako kay Ginoong Miguel, alam kong kanina niya pa dinaramdam ang masakit na balikat niya. Tumayo ako upang hanapin ang mga pangamot na meron si Inang Bahawa. Isa sa aking pagsasanay bilang hihirangin na babaylan ang manggamot ng mga duguang mandirigma. Hindi man ako kagaya ng ibang babaylan na may kakayahang makakita ng ibat ibang pangitain ngunit magaling naman ako sa pangagamot. May kalayaan din ako na magamit ang ilang gamit ng mga babaylan sa aming kaharian.
"Matagal mo ng iniinda ang sugat sa iyong balikat kaya sana ay pahintulutan mo akong gamutin ka"
"Marunong kang gumamot gaya ng mga babaylan" tila namamangha niyang saad.
"Hindi ako kasing galing ni Inang Bahawa ngunit ako ay may kaalaman upang gamutin ang iyong sugatang balikat" tumango naman siya sa akin. Hinugasan ko ang sugat niya. Ang sugat niya ay tama mula sa isang pana. Paano niya kaya nakuha ang sugat na ito. Gusto ko mang isantinig ang mga katanungan sa utak ko ay mas pinili ko na lamang manahimik. Tahimik lang siyang nagmamasid sa akin ng gamutin ko ang sugat niya sa balikat. Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming titig sa isat isa ngunit agad ko ring ibinaling ang tingin ko sa sugat niya.
"Palagi mong ibinabaling ang tingin mo sa ibang gawi tuwing nagtatama ang ating mga mata, gaya ng ginawa mo noong una"
BINABASA MO ANG
Ang Pangako ng Babaylan
Historical FictionQuezon Series 4 : Santa Anna Bago mapaslang ang Huling Babaylan ng kaharian ng Meyes humiling siya sa Diyos ng Kalikasan na muli siyang isilang upang itama ang kanyang pagkakamali.