Kabanata 8

906 64 11
                                    

Ikawalong Kabanata,

Nakonsensiya ako dahil muntik ko nang ipahamak at idamay si Luna sa nangyari kanina, bakit ba kasi ako nagpadalos dalos.
"Sorry Luna,"

"Kanina ka pa hingi ng hingi nang tawad, wala kang kasalanan Aliessa," lumabas na kami sa sentro at nagpunta sa Sapphirus ng hindi man lang kumakain. Tinatayang limang minuto ang nilakad namin bago kami makarating sa bukana ng Sapphirus, sinabi niya sakin na mayroon ding rest room dito.

Nadaanan namin ang ilang mga classrooms para sa mga kapwa namin sorsero't sorsera hanggang sa mayroon ngang mataas na pintuan na pinasok namin. Mangilan ilan ang naglalabas masok dito at namangha ako dahil hindi ko inakalang mayroon din palang mga lockers dito.

"Bawal kasi ang magpunta sa mga sari sarili nating silid ng hindi pa natatapos ang klase kaya mabuti pa at maglagay ka na ng mga importanteng gamit mo rito," ipinakita niya sakin ang isang susi

"Ano yan?" natawa siya sa reaksyon ko

"Susi mo," nakangising sabi niya

"Para saan, sa locker ko? Bakit na sayo," wala naman kasing nababanggit na locker number si Matilda, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang ihatid ako sa kwarto kaya wala akong kamuwang muwang sa nangyayari sa paligid ko.

Sisihin daw ba si Matilda hahahaha

"Maging mapagmatyag at maingat ka Aliessa, nahulog mo ito sa kwarto kanina nung kinuha mo ang damit mo," nakunot ang noo ko sa sinabi niya

"Meron ba, hindi ko naman kasi alam na may susi palang kasama ang unipormeng bigay nila eh." katwiran ko

Nasa harapan kami ng locker na may nakapaskil na pangalan ko. Napataas ang kilay ko sa nakita ko, ang bilis naman ng pagkakagawa nila may pangalan na ako kaagad dito. Nakalimutan kong may mahika nga pala sila,
"Buksan mo na siguradong may ekstrang damit ka riyan," ginawa ko ang sinabi niya, kaagad kong ipinasok ang susi saka pinihit na agad din namang nagbukas at tama siya may laman na ito. Dalawang pares na unipormeng kagaya ng suot ko,

"Saan ang banyo rito?" itinuro niya ang daan papunta kaya mabilis na rin akong kumilos dahil baka magsisimula na muli ang panghuling klase.

Pagkapasok ko ang napakaraming cubicles ang bumungad sakin, binuksan ko ang pinakamalapit sa akin ay napakalinis ng loob. Pwedeng shower area tong napasok ko dahil tanging naririto ay isang shower kasama na ang mga gagamiting panligo. Mabilis narin akong nagbihis dahil baka mainip kakaintay si Luna,

"Tara na?" aya ko pagkalabas ko roon

"Sige malapit na ring matapos ang bakanteng oras natin," binilisan namin ang paglakad papunta sa classroom namin. Kakaunti na lamang ang mga estudyante sa labas dahil pawang nasa loob na sila ng kanilang classrooms pero hindi parin maiiwasan ang mga tingin sa akin baka dahil sa nangyari kanina,

"Huwag mo na lang silang pansinin Aliessa" sinabi ni Luna nung mapansin niyang balisa ako sa mga titig nila

"Nakakahiya ako Luna," nakatungong dagdag ko

"Wala kang nagawang mali tandaan mo yan," nasabi niya bago kami nakarating sa classroom namin. Nadatnan narin namin ang halos lahat na sa mga kaklase namin at ipang saglit pa ay tumahimik na ang lahat dahil may nagsabing nandiyan na ang susunod na gurong magtuturo sa amin,

Nanlaki ang mga mata ko sa babaeng bumungad sa amin,
"M-Miss Geran?" bulong ko kasabay ng pagtayo ng lahat sabay yuko kaya ako na lang ang naiwang nakaupo,

"Maligayang pagbabalik Lady Geran," sabi nilang lahat maging si Luna, ngumiti siya sa sinenyas na maupo na kaya yun ang ginawa nila. Hindi ko naman inakalang pati rito ay guro parin siya

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon