Kabanata 26

1.1K 85 16
                                    

Ikadalawampu't Anim na Kabanata,

"Mater Salim salamat po sa pagkain at pagpapatuloy sa akin. Paalam po," usal ko sa kanya na ngingiti ngiti pa

"Balik ka ulit dito hija," sambit naman niya

"Naku baka hindi na po ako makabalik dito pero kahit ito na ang una at huling beses na makapunta ako rito ay masaya parin ako dahil nakilala kita." yumakap ako pagkatapos sabihin iyon, kahit kailan hindi ako nakaranas ng aruga ng isang lola. Nakakainggit dahil alam ko na kaiba ang paraan ng pagmamahal ng isang lola o lolo sa kanilang apo. Sabi nga nila na mas mahal pa nila ang kanilang mga apo kaysa sa anak nila hahaha pero nakakalungkot isipin na hindi ko naranasan ang mga iyon.

"Nagkakamali ka Aliessa, huwag kang mabahala dahil alam ko na hindi ito ang huling beses na makakapunta ka rito. Sigurado akong dadalhin ka ulit dito ng apo ko hihihi," namilog ang mga mata ko sa ibinulong niya

"Mater Salim!" saway ko dahil sa tono niya ay parang may kahulugan ito

"Oh paano paalam na at baka abutan kayo ng dilim," pag-iiba niya sa topiko

"Paalam po ulit!"

"Let's go," nagsimula na siyang maglakad at muli akong kumaway kay Mater saka sumunod.

"Mag-iingat kayo. Hanggang sa muli Aliessa!" rinig ko pang sigaw ni Mater, nanatili namang tahimik ang pagpalakad namin sa kakahuyan hanggang sa binasag ko ito.

"Salamat," panimula ko pero wala siyang imik

"Alam mo ba kung bakit gustong gusto ko nang makabalik sa mundo ko kanina?" tiningnan niya lang ako at tinaas ang kilay kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagsasalita, nakikinig naman siya siguro.

"Talamak pala rito ang pambu-bully? Akala ko kasi pagkarating ko rito ay mababait at magaganda ang ugali ng mga taga-rito ngunit nagkamali ako. Alam mo bang palagi akong tinutukso na hindi raw ako nababagay sa lugar niyo?" naalala ko sina Blair, Karina at mga kasama niya. Lahat na yata ng kilos ko ay napupuna nila. Hindi ko alam kung pati ang kahit kaunting detalye sa akin ay pinagtatawanan nila

Alam kong magagaling sila ngunit tama ba na tuksuhin nila ang mga mas nakakababa sa kanila? 

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong sa ganun kaikling oras na inilagi ko rito ay nakagawa na ako ng lubos lubos na pagkapahiya?" hinawi ko ang mga nagbabadyang luha nung muli na namang sumagi sa isipan ko ang ginawa nila Santana sa akin.

"Maaaring para sa iba ay mababaw lamang yun ngunit para sakin hindi lalo na at sa tuwing naglalakad ako sa anumang parte ng paaralan ay pinagtitinginan,pinagbubulungan at lihim akong pinagtatawanan." sinabi ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw matapos ang insidente sa dining hall.

"That was the reason why you wanted me to tell you the way to get out of here?" tumango ako at kalaunan ay napangiti dahil nakikinig siya. Sa wakas nasabi ko narin ang kinikimkim ko, hindi ko masabi sabi kina Luna at Disha ang mga ito. Sa tuwing tinatanong nila kung ayos ako ay sinasabi kong oo dahil ayokong makipag-away sila nang dahil sa akin, mas lalong lalaki ang isyu kapag ganun.

"Nagugustuhan ko naman dito eh, ngunit dahil sa nangyari ay naipamukha sakin na hindi ako pwede rito-"

"So you were thinking that the only way is to escape from this?" putol niya

"Hindi naman sa ganun," sagot ko

"Listen, hindi sa lahat nang pagkakataon ay pagtakas ang solusyon. Why not face it? Don't be such a coward, get out from your shell and stop escaping from reality."

"H-Hey! Anong ginagawa mo?" paghahawi niya sa kamay kong akmang idadampi ko sa leeg niya

"May sakit ka ba? Ikaw ba talaga yan," magkasunod kong tanong, sino ba naman kasing hindi magtataka kung ang isang to na pang-aasar lang ang alam ay babanat ng advice?!

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon