Kabanata 22

1.1K 69 6
                                    

Ikadalawampu't dalawang Kabanata,

"Ako, hindi mo babatihin?" hindi ko inaasahang sabi ni Uno.

"Tama ba ang naririnig ko?"

"Hindi naman siguro ako nanaginip hindi ba?" bulongan ng mga kasama ni Aella maging ang ilang nakarinig sa sinabi niya.

"Uno ikaw ba yan?" asar ni Calhil

"Shut up, I don't need any of your notions," sinagi sagi ako ni Disha nung muli siyang nagsalita.

"Ano?" pasimpleng bulong ko

"Ang hina mo talaga Aliessa," napakamot pa siya habang sinasabi ito samantalang nanatili akong nakakunot ang noo at inaabangan ang sagot niya.

Dahil ako ang pinagigitnaan ng dalawa kaya't madali akong nahila ni Disha paharap sa kanila, napukol ang paningin kanya parang naghihintay na matupad ang hinihiling niya. Hindi ko lubos na makita ang kanyang mga mata dahil bahagya itong natatakpan ng buhok niya. Bakit ba parang pamilyar siya? Nagkita na ba talaga kami o halusinasyon ko lang. Napaiwas na lang ako nang tingin nung binasag ni Disha ang katahimikan.

"Binabati ka namin U-Uno," saka niya ako muling sinagi.

Ano ba Disha? Tiningnan ko siya na parang nagtatanong ngunit tinitigan niya lang ako na parang may gustong sabihin pero hindi masabi.

"Ipapahamak mo kami nito eh, batiin mo na kasi para matapos na." nanlaki na naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Sinong hindi kung narinig ko na naman sa isip ko ang boses ni Disha? Pero sandali sinabi ba niyang-

Natigilan ako sa aking napagtanto, ang ibig niyang sabihin ako ang hinihintay ni Uno na bumati sa kanya?

Bakit hindi ko naisip yun. Pero teka, bakit naman niya hinihintay ang pagbati ko?
"Ah.." tumikhim ako saglit na siyang nagpabuntong hininga kay Disha na tila sinasabing salamat at naintindihan ko na rin ang kanina pang isinesenyas niya.

"Uno-"

"Tss." hindi pa natatapos ang pagsasalita ko nung bigla siyang naglaho sa harap namin. Aba! Aba! Ang lakas din ng mood swing ng isang ito. Kanina humihingi ng pagbati ngayon na babatiin na saka aalis ng parang bula. Laki  ng problema nun!

"Hahahahahaha," nabigla na lang ako sa biglang paglapit ni Lee at ni Balmier na tumatawa pa,

"Mukhang nahuli ako sa palabas, kumusta Aliessa, Disha at Luna?" gamit ang nasisiyahang tono ng boses ni Balmier. Tama nga sina Luna sa sinabi nila tungkol sa kanya, para bang hindi siya kasali sa pitong pinakamahusay na mag-aaral dito. Tuwing nakikita ko siya ay walang ibang ginawa kung hindi ang tumatawa, bagay ang singkit niyang mga mata dahil mas lalong nagmumukha siyang mapang-asar kapag ganun.

"Maayos naman," tanging sagot namin.

"Anong nangyari sa kaibigan mo?" si Calhil ang nagtanong kay Tres na nangibit balikat lang. Wala na kaming sinayang na panahon dahil ilang saglit pa ay nagpaalam na talaga kami at nilisan ang kinaroroonan nila,

Dahil tapos na rin naman ang klase namin ay nagpunta na kami sa mga kwarto namin upang makapahinga. Hindi na nagtanong pa ang dalawa kung bakit ginawa ni Uno yun kanina kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Sige paalam muna sa inyo dadaanan ko na lang kayo kapag hapunan na para sabay ulit tayong magpunta sa dining hall," paalam ni Disha

"Hihintayin ka namin," si Luna na ang sumagot samantalang itinaas ko na lang ang kamay ko at kumaway bago pumasok sa loob. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na si Disha kaya napagpasyahan na naming pumunta sa dining hall.

Nakaupo na kami sa dating mesa na madalas naming upuhan nung biglang buksan muli ni Disha ang topikong iyon. Buong akala ko tapos na ito at hindi na nila babanggitin pa pero biglang nangyari ang iniiwasan ko.
"Aliessa may tanong kami," panimula ni Disha samantalang nanatiling tahimik si Luna,

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon