Kabanata 23

1.2K 80 24
                                    

Ikadalawampu't tatlong Kabanata,

"Maghanda ka na Aliessa maya maya pa ay pupunta na tayo sa bayan," nginitian ko bilang sagot si Luna bago siya pumasok sa banyo at naiwan akong nakatulala sa bintana ng kwarto namin.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay Sabado na ngunit malinaw parin sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Hinawi ko ang mga nagbabadyang luha bago inalala ang nga nangyari.

*tug*dug*tug*dug*

Rinig na rinig ko ang mabilis at malakas na pintig ng aking puso habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga mata niyang nakapikit habang ang labi niya ay bahagyang nakasiil sa akin.

Luminaw na sa akin ang pangyayari at nagbalik na sa normal ang paligid. Hindi pa nawawala ang pagkagulat ay unti unti na niyang iminulat ang mga mata niya na sinalubong na rin ng titig ko. Parang ang bagal ng tagpong iyon, wala akong ibang naririnig at nakikita kung hindi si Uno.

Ang ilang segundong pagdampi ng labi niya sa akin ay tila ba tumagal ng ilang minuto,
"You alright?" kaagad na sabi niya matapos siyang humiwalay. Hindi ako kaagad nakasagot at dahan dahang inangat ang kamay ko patungo sa mga labi kong nawala na ang pagkabirhen.

"B-Bakit mo g-ginawa yun?" balik kong tanong

"Huwag kang ilusyunada!"

"Kung sa tingin mo ay hinalikan ka ni Uno dahil may gusto siya sayo nagkakamali ka!"

"Baka nga siya pa ang nag-udyok kina Santana para gawin sa kanya yan upang mahalikan siya ni Uno eh," biglang sigawan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin.

Ngayon ko lang nakita ang kabuuan, nandito kami sa dining hall at nagulat ako dahil gulong gulo ang mga mesa, upuan at nagkalat ang mga pagkain maging ang mga dekorasyon. Anong nangyari? Napa-igtad na lang ako nung bigla na namang nagliyab ang mga apoy sa mga sisidlan dahil sa isang pitik ni Uno na nagpatahimik sa lahat. Naroon sina Luna at Disha sa tabi nina Tres at iba pang kasapi ng Seventh Pouer.

Magkahalong awa at lungkot ang nababasa ko sa mga mata ni Luna na hinala kong dahil sa nasaksihan niya. Patawad, hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko rin ito ginusto.
"Huwag mong sagutin nang tanong ang katanungan ko," ang bilis talaga magbago ng mood ang isang ito.

"Sa tingin mo ba hindi?" pamimilosopo ko

"Ano ba talagang nangyayari bakit sobrang gulo rito?" para akong paslit na walang kamuwang muwang sa kahihiyang nagawa ko.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nangyari nung bigla na namang sumagi ang katotohanang nagpagising sa akin noong gabing yun.

"Aliessa," sinalubong ako ng yakap ng dalawa habang nagtatawanan naman ang kapwa estudyante namin na nagsimula nang lisanin ang dining hall.

"Bakit?" tanong ko habang sinusuklihan din sila ng yakap, pagkahiwalay ng mga katawan namin saka ko lang naramdaman ang lamig dahil sa basang damit ko.

Nagtataka kong pinasadahan ang mga braso ko nung napadaing ako sa kirot nang bigla kong masagi ang ilang pasa.
"Anong nangyari, bakit ganyan ang mga reaksyon niyo? At itong dining hall bakit ganito, sinong nanggulo rito? Sabihin niyo naman sakin para naman maliwanagan ako."

"Ikaw Aliessa," sagot ni Luna na ikinabigla ko nang husto

"A-Ano?" usal ko

"Maupo ka muna dahil tiyak kong ikahihina mo ang sasabihin namin sa iyo." inalalayan nila ako paupo

"Kagaya ng sinabi ni Luna, ikaw ang nanggulo rito-"

"Bakit ko naman gagawin yun!" pinutol ko si Disha

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon