Kabanata 14

839 63 14
                                    

Ikalabing-apat na Kabanata,

Tumingin ako sa orasan at sampung minuto na ang nakakalipas, napatingin din ako sa mga kaklase ko ay seryoso sila sa paggawa gayun din si Luna. Magtatanong sana ako pero ayaw ko naman siyang istorbohin.

Bumuntong hininga na lang ako saka nagpasya nang simulan ang paggawa. Ang sabi rito ang unang dapat gawin ay kunin ang katas mula sa dahon ng Euphoria, saan naman sa mga ito ang Euphoria?

Nakakahiya naman kung magtanong pa ako kung anu-ano ang mga pangalan ng mga dahon. Wala na akong iba pang pagpipilian kung hindi ang magbakasakali, kinuha ko ang aking Bhandana mula sa lalagyan nito.
Pinasadahan ko ng haplos at namangmangha parin ako sa ganda. Sa hitsura pa lang ay masasabi ko na mahiwaga talaga ito,

Pumikit ako at hinigpitan ang hawak dito, sana sa pagkakataong ito gumana.
"Kung talagang makapangyarihan ka nga, inuutusan kitang ituro sa akin kung saan dito ang dahon ng Euphoria!" unti unti kong iminulat ang mga mata ko at halos mapapalakpak sa nakita ko.

Gumana siya!

Nagliliwanag ang crystal sa dulo ng aking Bhandana dahil pinapalutang niya ang dahong kawangis ng oregano. Hindi na ako nagatubili at kinuha ko na ito saka nilagay sa maliit na mangkok at dinikdik gamit ang pestle.
Naglabas nga ito ng likido na siyang nakasaad sa libro. Pagkatapos lumabas ang lahat ng katas ng Euphoria ay isinalin ko na ito sa isa pang lalagyan at binasa ang susunod na hakbang.

Ang ikalawa at ikatlong hakbang ay tulad din nung una, kukunin din ang katas ng mga dahon para ilahok sa katas ng Euphoria. Mas mabilis kong malaman kung alin dito ang mga sinasabi ng libro sa tulong ng aking patpat. Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang ako gumawa neto pero bakit kusang gumagalaw ang aking mga kamay na tila ba alam na alam ang gagawin.

Pagkatapos mahalo ang mga katas na galing sa mga dahon ay inilagay ko na ang itim na powder ito raw ay napulbos na buto ng Serani, isang uri ng beans dito sa Albania na nakakagamot.

"Tapos na ang oras na ibinigay ko sa inyo!" saktong pagkasabi ni Virtuoso ay natapos ko narin ang huling hakbang na nakasaad dito. Matingkad na kulay asul na likido ang kinalabasan kagaya ng nasa litrato

"Tapos ka na Aliessa?" napalingon ako kay Luna

"Oo pero hindi ako sigurado kung tama ang ginawa ko," nag-alinlangan ako dahil nung tingnan ko ang ginawa niya ay hindi sing tingkad ng sakin ang kulay nito. Napatingin din ako sa gawa ng iba ay parang sa akin lang ang naiiba, patay mukhang may nagawa akong mali.

"Ayos lang yan, unang beses mo kasing gumawa masasanay ka rin." napangiti ako sa sinabi niya

"Makinig kayong mabuti, hindi pa lubusang natatapos ang ginawa niyo. Mayroon pang hindi nailalagay sa pormulang yan, ang ibig kong sabihin ay kulang ang mga materyales na ibinigay ko sa inyo." bakit naman niya gagawin yun, paano namin magagawang mabisa ito kung kulang naman pala ang ibinigay niya.

"Bakit kulang Virtuoso?" tanong ng isa naming kaklase

"Dahil kayo ang tutuklas sa panghuling lahok sa pormula. Yun ang susunod na gagawin ninyo, ang tuklasin kung ano ang huling materyales." akala ko ganung kadaling tuturuan niya lang kami sa paggawa pero ay pasabog pala siya,

"Paano naman namin malalaman kung anong ilalahok namin Virtuoso?" si Blair na ang tumayo

"Sa pamamagitan ng isang palasaisipan sorsera, isang bugtong ang magdadala sa inyo sa hinahanap niyo," nakangiti siya habang sinasabi ito,

"Ibibigay ko ang natitirang oras sa ating klase para sa paghahanap sa sinasabi ko, sampung minuto bago matapos ang oras ay magbalik kayo rito nahanap niyo man o hindi," ngayon ay sumeryoso na siya kaya nabalot ng katahimikan ang buong silid at inaabangan ang sasabihin niya,

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon