Kabanata 28

1.2K 82 31
                                    

Ikadalawampu't walong Kabanata,

"Zafirra..." pagkatapos siyang sabihin yun ay hindi ako nakagalaw ng ilang segundo. Magsasalita na sana ako ngunit may mas nauna na sa akin,

"Uttering such names could terminate anyone, that doesn't excludeyou." ma-awtoridad na sambit ng pamilyar na boses sa aking likuran

"Hindi ko ito sinasadya at ipinapangakong hindi na ito muling mauulit," bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa aking pisngi saka dahan dahang yumuko na parang nagsusumamong huwag isumbong sa nagawang kasalanan.

"Ikalulugod ko kung hindi ito makarating sa kinauukulan...U-Uno" nanlaki ang aking mga mata sa sinambit ng tagabantay saka nilingon kung tama ba ang sinabi niya.

Pagkalingon ko ay bumungad ang matikas at may maawtoridad na tindig samahan na nang nakatikom na mga labi ng may pinakamataas na rango ng mga estudyante sa buong Academy, si Uno.

"What are you looking at?" maarte niyang usal

"W-Wala," napayuko kong sagot

"Muli humihingi ako ng paumanhin Uno," kumunot ang noo ko sa pagsabat ng tagabantay. Kung makapagsalita siya ay parang mas matanda pa si Uno kaysa sa kanya samantalang estudyante pa lamang ito.

"Alam mong bawal bakit mo ginawa?" sarkastiko niyang sabi na ikinainis ko. Walang respeto!

"Hindi na ito mauulit-"

"Talagang hindi na mauulit," pagputol niya na ikinagalak ng tagabantay maging ako ay lihim na napangiti dahil sa pagkakasabi niya ay tila pagbibigyan niya ang hiling nitong huwag siyang isumbong.

"Maraming salamat!" usal pa niya ngunit ilang saglit ay bigla itong napawi

"It won't surely get repeated since your punishment is waiting at the fortress." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, akala ko ba? Napatingin ako sa tagabantay ngunit nakayuko lamang siya at piniling hindi na magsalita. Sa nakikita ko ay tinatanggap na niya ang naghihintay na hatol sa kanya sa oras na sabihin ni Uno sa mga manunungkulan ang ginawa niya.

Akmang tatalikod na siya sa amin nung nagpakawala ako ng buntong hininga bago magsalita,
"Sandali, hindi mo ba narinig ang sinabi niyang hindi niya ito sinasadya?" napakagat ako ng labi pagkatapos itong sabihin

"Binibini!" hinawakan ng tagabantay ang kamay ko ngunit umiling lang ako sa kanya. Wala siyang kasalanan, nabigla lamang siya kaya hindi marapat na maparusahan sa kasalanang hindi naman niya ginustong gawin.

"Talaga bang hindi niyo man lang pinapakinggan ang sinasabi ng mas nakakababa sa inyo? Malinaw na hindi niya ginustong labagin ang batas na ito kaya bakit mo siya isusumbong," hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang sambitin ang mga ito.

"A rule is a rule. She had disobeyed the rule so she must face it consequences, any problem with that sorcerer?"

"In every rule there's always an exception. Hindi niya sinasadya, nabigla lang siya hindi mo ba naiintindahan yun?!" hindi ko mapigilang suminghal

"Binibini salamat sa pagtatanggol ngunit tama ang sinabi niya. Ang batas ay batas, nakagawa ako ng pagkakamali at kailangan ko itong panagutan." nakangiti siya habang sinasabi ito sa akin ngunit salungat ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Kahit ni pangalan niya ay hindi ko alam malakas ang pakiramdam ko na mabuti siya, kung iisipin ako ang dahilan kung bakit niya nasambit ang ipinagbabawal na pangalan. Kaya makatarungan ba na may maparusahan dahil sa akin?

Hinarap ko si Uno ng nakataas ang noo,
"Kung ganun ako, ako ang isumbong mo dahil ako ang dahilan kung bakit niya nasambit ang pangalang iyon." umawang sandali ang bibig niya sa sinabi ko. Maging ako ay hindi inaasahang sasabihin ko ito, sino bang walang pag-iisip ang gugustuhing maparusahan? Wala. Ngunit dahil ayokong may ibang mapahamak dahil sa akin handa akong harapin ang anumang parusang ibibigay nila.

Guinevere Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon