Playful Luck

5.2K 140 6
                                    

 

Matapos ilibing ang mga magulang niya, para siyang aso na walang direksiyon. May natira namang maliit na halaga sa kanya ngunit mabilis lang din itong naubos. Nagpalipat-lipat siya sa mga kaibigan at kamag-anak hanggang wala ng gustong tumanggap sa kanya.

Ilang taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang masalimuot na parteng iyon ng buhay niya.

Sino ang mag-aakala na minsan ay nabuhay siyang parang hari?

Nakukuha niya alinman ang gustuhin pero binalewala niya.

Kung alam lang niya na maaaring mangyari ang bagay na ito, sana ay nag-aral na lang siya ng maigi.

Ngayon hanggang construction nalang ang maaari niyang pasukang trabaho.

Parang bibigay ang katawan niya noong una. Ang dating malalambot na palad, ngayon ay sintigas na ng kalabaw.

“Hayyy! Alis na ako, Next time ulit!” bulong niya sa sarili sabay talikod mula sa mansion.

Nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang makarinig ng sigaw mula sa mansion.

Napatigil siya.

Bigla ulit siyang nakarinig ng hiyaw. Sinundan ito ng katahimikan.

Malakas ang kutob niya na may di magandang nangyayari sa loob ng bahay.

Bumalik siya at inakyat ang bakod. Agad niyang tinungo ang backdoor. Dahil dati nila itong bahay ay alam niya ang pasikot-sikot dito. Madalas kasi siyang tumakas noon sa gabi para makijamming sa barkada niya.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at pumasok sa kusina saka tinungo ang sala.

Nagulat siya nang makita ang isang lalaki at babae na wala ng buhay at naliligo sa kanilang sariling dugo.

Sa hagdan ay may isang batang lalaki na gumagapang at puno rin ng dugo dahil sa tinamong saksak. Agad niya itong dinaluhan. May sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan.

Tinanong niya kung ano ito ngunit bago pa man makasagot ay nalagutan na ito ng hininga.

Bigla siyang natuliro at di alam ang gagawin hanggang dumating ang mga pulis at agad siyang hinuli.

Marami ang tumestigo laban sa kanya.

Dumausdos ang luha sa kanyang pisngi nang marinig ang desisyon ng hukuman.

Gusto niyang sumigaw at sabihin sa lahat na wala siyang kasalanan! Ngunit alam niyang kahit na anong sabihin niya ay walang maniniwala sa kanya. Kaya ang lumuha na lamang ang nagawa niya.

Sino ba naman kasi ang maniniwala sa dating drug addict?

Sino ang maniniwala sa kanya samantalang siya ang nakita sa crime scene?

Ang tsismis ay mas makamandag pa sa galit na ahas. Isang kagat lang nito ay mahirap ng maghilom.

The Fallen Rainbows (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon