Freedom

4.5K 135 5
                                    

 

Nakalabas na siya ng kulungan pero parang di na niya alam kung paano haharapin ang buhay pero alam niyang mas matibay na siya ngayon dahil alam niyang kaagapay niya ang Diyos sa lahat ng pagsubok  na maaaring dumating sa kanya.

Naglalakad si Mike sa kalsada, naikot na ata niya ang buong siyudad pero mailap ang trabaho sa kanya. Walang gustong tumanggap sa kanya kapag nalaman nilang ex-convict siya.

Pumunta siya sa gilid ng daan nang may humimpil na sasakyan sa tapat niya. Bumukas ang windshield ng sasakyan at nakita ang dalagang tumulong sa kanya para makalabas ng kulungan. Binuksan ng dalaga ang kotse at inaya ang binata na magdinner sa restaurant. Di naman tumanggi ang isa.

Pagkatapos nilang maghapunan ay pumunta sila sa park malapit sa restaurant at magkaharap na umupo sa damuhan.

Nahahabag na tiningnan ng dalaga si Mike. Tiningnan niya ito na parang humihingi ng patawad.

Tahimik lang silang magkaharap nang magsalita ang dalaga.

“I’m sorry! Di ako bumalik kaagad para sabihin ang katotohanan.” Saad niya. Agad na namalisbis ang luha sa pisngi nito. Tumango lang ang binata at tinitigan ito.

“Dahil sa akin, matagal na panahon kang tumira sa isang lugar na di nararapat para sa’yo! Patawarin mo ako! Natakot ako! Pinabayaan ko ang pamilya ko na namatay sa harap ko!” iyak nito.

Naawa si Mike sa dalaga. Naiiintindihan niya ang sakit ng kalooban nito.

“Tama na. Nangyari na ang lahat, hindi na natin maaaring ibalik ang panahon.” Hinaplos niya ito sa pisngi at pinunasan ang mga luha nito.

“Nagkasala ako sa pamilya ko dahil naduwag ako!” giit pa rin nito. Hinayaan na lamang siya ng binata na ilabas ang sama ng loob nito para maibsan ang sakit na nararamdaman.

“Wala akong nagawa nung umakyat ang demonyong iyon sa taas. Siguro ay hinanap ako. Di ako makagalaw. Gustong sumigaw pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.”

“Nung di niya ako mahanap, lumabas din siya sa maindoor. Saka ka naman pumasok mula sa kusina. Nakita ko nung dinaluhan mo ang kapatid ko. Alam kong ako ang sinasabi ng kapatid ko sa’yo pero natakot ako. Agad akong tumakbo palabas sa pinanggalingan mo.”

Parang isa-isa namang bumalik sa ala-ala ni Mike ang pangyayari.

Ang mga katawang naliligo sa sariling dugo. Ang batang binuhat niya at pilit na pagsasalita nito. Akala niya walang ibang tao doon kundi ang tatlong namatay.

Napatingin siya sa dalaga nang ituloy nito ang pagkukuwento.

 “Naglakad ako kung saan aabot ang mga paa ko. Umaga na nang maalala ko si Sr. Jessica, yung mabait na madre sa school ko. Agad ko siyang pinuntahan pero sabi nila, paalis na raw ito papunta sa susunod niyang misyon sa Mt. Province. Nagpahatid ako sa terminal at sakto namang naabutan ko siya. Sumama ako sa kanya.”

“Kinse lang ako nun, di ko alam kung papaano harapin ang ganitong bagay pero ngayon alam ko na!”

Dumaan ang mahabang katahimikan. Hinayaan lang siya ng binata na umiyak.

“Kumusta ka na?” tanong ng dalaga nang kumalma ito. Para namang nagising ang diwa ni Mike.

“Ganito pa rin. Walang trabaho.” Tipid niyang sagot dito.

Tiningnan naman siya ng dalaga at agad na lumiwanag ang mukha nito.

“Call me, Ella. May resort akong nabawi mula sa mga properties ni papa. Pwede kang magtrabaho doon.”

Di nakapagsalita si Mike sa pahayag ng dalaga.

“Nalaman kong nakadalawang taon ka sa Management course mo. Kung gusto mo magtrabaho ka doon tapos tutulungan kitang matapos ang pag-aaral mo para ikaw na ang magmanage sa resort.”

Mas lalo namang di nakaimik si Mike sa tinuran ng dalaga. Tiningnan niya ito.

“Wag na po ma’am Ella. Ella pala, nakakahiya.” Tugon niya rito.

“Nakakahiya? Nasira ang buhay mo dahil sa maling paratang sa’yo at dahil na rin sa akin. Dapat lang na bayaran ko ang lahat ng sakit na naranasan mo.” Mahabang hayag nito.

“Ito yung address ko, pumunta ka bukas at ihahatid kita sa resort namin sa Batangas.” Saad nito sabay abot ng calling card.

Nasa higaan na si Mike pero di pa rin mawaglit ang nangyari kanina. Marami nga talagang regalo ang buhay gaano man kapait ang nangyari may kapalit itong magandang blessing.

The Fallen Rainbows (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon