Kung gaano kahirap ang buhay niya noong nawala ang mga magulang niya ay mas mahirap pa sa loob ng piitan.
Parang kaning baboy ang kinakain nila. Pero ano nga ba ang dapat niyang asahan sa loob ng kulungan?
Kung ilang araw at buwan na siya sa kulungan ay di na niya mabilang hanggang isang araw, matapos niyang maglinis ng CR ay nadaanan niya ang chapel ng bilangguan.
Bigla siyang kinilabutan nang makita ang imahe na nakapako sa krus.
Bigla na lamang tumulo ang luha niya at dahan-dahang pumasok rito.
“Lord, alam ko pong marami akong nagawang kasalanan. Pero bakit kung ano ang di ko ginawa ay siyang pinagbabayaran ko ngayon?” tumutulo ang luha ni Mike habang nakaluhod sa harap ng altar. Sa nagdaang maraming taon nakalimutan niya na may Diyos na nagkokontrol ng lahat. Naging kampante kasi siya dahil sa karangyaang kinalakhan niya.
***
“De La Fuente! May bisita ka!” tawag ng jailguard sa kanya.
Napamaang siya. Sa limang taon na nasa loob siya ng kulungan ay wala ni isang dumalaw sa kanya. Iniisip niya kung sino ang nakaalala sa kanya at dinalaw pa siya.
“Nasaan?” tanong niya sa guwardiya pagpasok nila sa visiting area. Itinuro naman ng guwardiya ang isang may katandaan ng lalaki na naka-amerikana at nakaupo sa gilid na bahagi ng visiting area.
Nilapitan ito ni Mike.
“Sino ka?” tanong niya rito. Sa tingin niya ay limampung taong gulang na ito.
“Mr. dela Fuente?” tanong nito sa kanya.
“Ako nga.” Tugon niya rito nang may nagtatanong na mata. Kung hindi siya nagkakamali ay abugado ito.
“Umupo ka muna, Mr. dela Fuente.” Saad nito. Naguguluhan man ay sumunod siya rito.
“Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?” tanong niya rito.
“I’m a lawyer at gusto ng kliyente ko na pabuksan ang kaso mo-” natigil ang pagsasalita nito nang tumunog ang cellphone. Agad namang tumayo ang abugado at sinagot ito.
Naguguluhan naman si Mike na sinundan ito ng tingin. Matapos ang ilang sandali ay bumalik na ito sa kinauupuan niya.
He faked a cough bago tumingin sa bukana ng visiting area. Napatingin naman si Mike sa direksiyon na tinitingnan nito.
Isang magandang dalaga ang nakita niyang patungo sa kinaroroonan nila. Matangkad ito at may mahabang buhok. Kung di siya nagkakamali ay edad disinueve na ito at mas matangkad lang siya ng konti sa dalaga sa height niyang 5’11’’.
Di namalayan ni Mike na nakatayo na ito sa harap niya. Nakipagkilala ito. Ella Buenaventura daw ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Fallen Rainbows (One Shot)
Historia CortaA dramatic short story that will make you believe that there won’t just be a rainbow after turmoil. * * * [This story is originally written in Iluko (dialect of Ilocos Region, Philippines) and was translated to Filipino language to reach more reader...