The Real Story

4.4K 150 4
                                    

 

Mabilis ang mga naging pangyayari.

Namalayan nalang ni Mike na nasa hukuman na ulit siya at ang dalaga ay nakaupo sa witness stand.

May fieldtrip kami noon. Excited akong ipapirma ang waiver ko kay papa. Yung kapatid kong si Jun ay nasa kuwarto naglalaro ng play station.

Si mama naman nagluluto sa kusina. Nagday-off kasi ang mga maids noon kaya siya ang nagluluto.

Nakaawang ng kaunti ang pinto ng study room ni Papa noong pumunta ako para magpapirma ng waiver ko.

Humihikbi ito habang nagkukuwento.

Papasok na sana ako pero narinig ko ang malakas na boses ni Tito Paul, ang kapatid ni papa.

“Ibigay mo sa akin ang dapat na para sa akin!” nagulat ako sa sigaw niya kaya napahinto ako.”

“Nakuha mo na ang dapat para sa’yo pero inubos mo lang sa bisyo mo! Alam mo kung hanggang saan lang ang dapat para sa’yo dahil hindi ka naman totoong Buenaventura!” matapang na sagot ni papa.”

Walang ibang naririnig sa korte kundi ang boses ni Ella habang ikinukuwento ang lahat.

“Ang daming properties ang natira sa’yo kahit na anak ako ni mama sa ibang lalaki, marami pa rin akong dapat na makuha!” galit na galit nitong sigaw kay papa.”

“Kung anuman ang properties na meron ako ngayon pinaghirapan ko iyon mula sa iniwan ni papa at alam mong binigay ko ang para sayo kahit na pag-aari lahat yun ng ama ko!” giit ni papa.

“Tama na ang usapang ito! Umalis ka na dito sa bahay!”  nakita kong tumalikod si Papa pero kasabay nun ay ang pagdukot ni Tito Paul ng kutsilyo mula sa likod niya at sinaksak ito.

Dahil sa gulat at takot, tumakbo ako sa sala at nagtago sa likod ng sofa. Nakita ko ang pagtakbo ni Papa sa sala pero sinundan ito ni Tito Paul at sinaksak ulit si Papa.

Di ako makagalaw. Nakita ko ang pagpatay niya kay papa!” umalingawngaw ang iyak ni Ella sa loob ng bulwagan.

Natumba si Papa sa sala sakto namang lumabas si mama mula sa kusina. Sumigaw siya nang makita si papa. Agad niya itong dinaluhan pero bago pa man ito makalapit ay inundayan na siya ng saksak ni Tito Paul.

Narinig ko ang sigaw ng kapatid mula sa tuktok ng hagdan, nakita niya ang pagsaksak kay Mama. Patuloy ang paghikbi ni Ella. Nanatiling nakatunganga ang lahat sa kanya.

“Gusto kong tumakbo papunta sa kapatid ko pero di ako makagalaw mula sa pinagtataguan ko. Duwag ako!!”

“Duwag ako dahil hinayaan kong patayin ng criminal na yan ang pamilya ko!” itinuro nito ang lalaking nakaposas sa kabilang upuan. Halatang may edad na ito.

“Ikaw ang pumatay sa pamilya ko!!” hysterical nitong sigaw.

“Hindi ka pa nakuntento pati ang kapatid ko na walang kamuwang-muwang pinatay mo!” iyak nito.

Natapos ang araw na iyon na naguguluhan si Mike sa nangyayari. Napawalang sala siya sa kaso. Agad niyang tinungo ang chapel at lumuhod sa harap ng altar.

Yung nakita niyang nakapako sa krus, limang taon na ang nakararaan ay di pa rin nagbago. Napaluha siya sa bilis ng pangyayari. Naikulong siya ng limang taon nang wala siyang kasalanan.

“Diyos ko, tapos na po ang pagdurusa ko dito sa kulungan sa kasalanang ginawa ng iba. Salamat! Tapos na ang aking pagdurusa! Ikaw? Kailan kaya matatapos ang pagdurusa mo dahil sa kasalanan ng iba? Hinding-hindi ako maaaring maitulad sayo.”

The Fallen Rainbows (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon