Medyo marami na ang alak na nainom ni Mike. Umiikot na rin ang kanyang paningin habang pinapanuod ang mga barkadang nagsasayawan sa dancefloor ng bar. Masaya ang mga ito habang kumukumpas sa musika.
Kitang-kita ni Mike ang mahaharot na galaw ng mga ito mula sa gilid ng bar kung saan siya nakaupo.
Samantala sa kanilang bahay…
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito na pala kalaki ang utang mo sa bangko?!” galit na wika ni Nieves, ang ina ni Mike. 43 years old na ito ngunit bata pang tingnan.
“Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa’yo ang lahat.” Nagsusumamo namang tugon ng asawa nito.
“Ngayon, pati itong bahay ay makukuha na ng bangko! Saan tayo pupulutin niyan?!” asik ni Nieves sa asawa.
Dahil laging wala si Mike sa bahay nila, hindi nito nalaman ang lahat.
“May party kaya sa bahay?” naitanong ni Mike sa sarili nang malapit na siya sa bahay nila. Kitang-kita kasi ang liwanag na nanggagaling sa loob ng bakuran. Kagagaling lang niya sa bar at nagparty ulit kasama ng barkada niya.
Laking gulat niya nang bumungad sa mata niya ang dalawang magkatabing kabaong sa malawak nilang living room. Bigla siyang nawalan ng malay.
Pagkagising niya nalaman nalang niya na naaksidente ang mga magulang niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo sa harap ng dati nilang mansiyon. Napakalaking bahay. Gusto niyang pumasok dito kaya lang alam niyang hindi na ito sa kanila dahil may nakabili na mula sa bangko.
Kung ilang beses siyang dumadalaw sa dati nilang bahay sa nakaraang ilang taon ay di na niya mabilang.
BINABASA MO ANG
The Fallen Rainbows (One Shot)
Cerita PendekA dramatic short story that will make you believe that there won’t just be a rainbow after turmoil. * * * [This story is originally written in Iluko (dialect of Ilocos Region, Philippines) and was translated to Filipino language to reach more reader...