Nakahawak ang dalagita sa pisngi niya habang nasa bintana ng kuwarto niya at nakadungaw. Napapangiti siya habang nakatanaw sa kalsada at nag-iisip ng malalim.
“Ayyy!” nagulat ang dalagita sa biglang pagkurot ng kapatid niyang lalaki sa kanyang tagiliran. Natatawang lumayo ang limang taong gulang na kapatid.
“Uyy! Ate Ella, tinatanaw na naman niya yung crush niya!” tudyo nito.
“Tumahimik ka!” asik naman niya sa kapatid saka sumimangot.
“Talaga naman ate! In-love ka diyan sa lalaking laging nakatanaw dito sa bahay! Siguro boyfriend mo ano?” giit pa rin nito saka humagikhik. Nainis naman si Ella sa pangungulit ng kapatid.
“Eh di ko nga kilala yang lalaking yan eh! Lagi ko nga lang siyang nakikita sa harap ng bahay!”
“At lagi mo namang hinihintay?” dugtong ng kapatid saka mabilis na tumakbo. Naiinis namang humabol ang dalagita sa kapatid hanggang sa macorner niya ito malapit sa hagdan. Kiniliti niya ito para makaganti sa pambubuska nito.
Napaluha si Ella sa pagkakaalala sa kapatid. Tama ang sinabi ng kapatid. May crush nga siya sa guwapong lalaki na laging nakatambay sa harap ng bahay nila dati at lagi niyang hinihintay ang pagpunta nito sa kanilang tapat. Di niya inakalang magkrukrus ang kanilang landas matapos ang masalimuot na panaginip.
Kapag nagkasalubong ang dalawang nahulog na bahaghari, magsasama sila at sabay na babalik sa kalangitan upang magbigay liwanag sa lahat!
----The Fallen Rainbows---
---Ang Mga Nangahulog na Bahaghari---
---Dagiti Natnag a Bullalayaw---
BINABASA MO ANG
The Fallen Rainbows (One Shot)
Short StoryA dramatic short story that will make you believe that there won’t just be a rainbow after turmoil. * * * [This story is originally written in Iluko (dialect of Ilocos Region, Philippines) and was translated to Filipino language to reach more reader...