V. The Threat

143 12 0
                                    


CHAPTER 5

MAAGANG nakatulog si Nerissa matapos ang salu-salo sa Rancho. Ngunit maaga rin siyang bumangon at bumaba para uminom ng tubig. Nakadama siya ng uhaw. Nang palabas na siya ng kuwarto ay nakita niya na nakaupo sa hagdan si Abel. May kausap ito sa phone.

"Akala ko tatawag ka ng alas-otso. Mag-aalas onse na. Ano'ng nangyari?"

Sino kaya ang kausap niya?

"Ha? Hindi ko inaasahan iyan. Ngayon nasa iyo na ang control. Kahit magsama pa ang mga shares nila. Hindi na nila mapapantayan ang hawak mo. Just keep it up. Good job, Utoy."

Ang sipag-sipag niya. Kahit malalim na ang gabi ay nagtatrabaho pa rin.

Tumayo na ito matapos kausapin ang kausapin. Nagulat ito nang makasalubong siya.

"Nerissa, kanina ka pa diyan?"

"Hindi naman. Pababa ako para uminom. Nauhaw ako."

Pa-diretso siya nang biglang pumihit paharap uli kay Abel.

"Can I ask you a favor?" in her sweet tone.

"Ano iyon?"

"Pwedeng makitawag sa phone mo?"

Tumikhim ito bago sumagot.

"Ah sige! Pero doon ka sa may hagdan banda. Mahina signal." agad nitong pinahiram sa kanya ang phone.

"Okay."

Saulo niya ang number ni Maila at agad niyang na-dial ang number ito. Agad itong nag-ring at ilang sandali lang ay may sumagot.

"Hello?"

"Maila, it's me Neri."

"Hala, Neri. Buti napatawag ka."

"Bakit? Ano na ang nangyari?"

"Kararating-rating lang na balita sa akin ni Yuumi, ang secretary ng Auntie mo. Kakatawag lang niya sa akin ngayon. Natagpuang patay ang Auntie mo sa condo."

"Ano?" nabigla niyang reaksyon na halos mapasigaw na siya.

"Bakit Nerissa?" nabahala at nagtakang lumapit agad si Abel.

"Pupunta na kami ni Yuumi. Neri, mukhang kailangan mo nang bumalik. Wala nang ibang kamag-anak ang auntie mo kundi ikaw na lang."

"Sige, uuwi ako. Magkita tayo ng umaga sa bahay. Kayo muna ang bahala sa Auntie ko."

Na-shock siya nang matindi nang matapos ang usapan nila ni Maila. Bigla na rin siyang naluha na pakiramdam niya ay may bahagi niya na mabilis na dinagit sa kanya.

"Bakit namumutla ka? Umiiyak ka?" lalong nag-alala sa kanya si Abel.

"Ang Auntie ko, patay na. I need to go back to Manila, Abel." basag na tinig nyang sabi.

"Ngayon na ba?"

Naiyak siyang tumango.

"Nandiyan na ang isang pick up. Magbihis lang tayo at kukunin ko lang ang susi kay Luke."

Nakadama siya ng hiya pero kailangan niya talaga ang tulong ni Abel. Now her superhero will bring her back from where it started. At ito na uli ang isa pang round ng laban na kailangan na niyang harapin.

ITS ANOTHER long ride with Abel. Dito ay hindi na siya madagit ng antiok dahil sa dami niyang iniisip.

Kung sino ang pumatay kay Aunt Melanie. Kung bakit at paano ito namatay.

Isa na namang kadugo niya ang nawala. Now she is totally alone. Pero nang mapatingin siya kay Abel na seryosong nagmamaneho ay nakadama siya na hindi siya nag-iisa.

Men Royale Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon