VIII. Bullets and Arrows

114 8 0
                                    



CHAPTER 8

SA GAZEBO hinintay ni Nerissa si Abel. Mga bente minutos ang kanyang hinintay matapos niyang makatanggap ng text mula rito.

Dito na si Wolverine!

Na-excite siyang napatayo at nakita niyang palapit ito at nasa likod nito sina Scott at James na agad na bumalik sa poste ng mga ito.

"Nasaan ang kanin lamig at Sardinas?"

His presence made her feel not so alone. Kahit busy ito ay nagawa nitong dalawin siya sa panahon kailangan niya ng kasama at kausap. Dali-dali niyang tinakbo ito at niyakap. Bigla siyang naiyak sa dibdib nito

"Ow?" nagulat na reaksyon ni Abel.

"Kailangan ko ng kakampi kahit ngayon lang. Thanks for being here. Mababaliw ako kung mag-isa lang ako ngayon."

She felt his warm hand na inaalo siya.

"Nandito na ako. Huwag ka nang umiyak. Sabihin ng mga bodyguards mo pinaiyak kita."

Napatingala siya dito. Again her hearts beats like a drum just it happen when he is there.

"Hmm... wala ka ba talagang makakain. Nagugutom na talaga ako."

Napangiti siyang kumalas dito.

"Hindi kita kayang pakainin ng kaning lamig at sardinas. Sandali lang at ipapahanda ko lang ang pagkain mo together with wine."

"Wine?" nagsalubong ang malagong kilay nito.

"Ayaw mo ba ng wine?" nagtakang tanong niya.

Natawa ito.

"Bakit ka natawa? Nakakatawa ba na kumain na may wine?" tanong niya habang pabalik sila sa gazebo.

"Narinig ko kasi iyong sabi ng DJ sa radio kanina. Kapag may alak may balak. Kapag may wine you're mine."

Natawa siyang napatakip ng bibig.

"Wow ha? Don't worry hindi kita lalasingin. Masarap kaya uminom ng wine after dinner. Kung ano ano kasi naririnig mo pero natawa ako doon ah."

"Pinapatawa lang kita. Umiiyak ka kasi."

Not only his presence but his simple wits bring her joy na kailangang niya sa mga sandaling ito.

How this man make her happy in her loneliness and stress that almost kill her now. Paano kung hindi niya nakilala si Abel. Baka nauna pa siyang namatay kay Aunt Melanie.

PINAKAIN ni Nerissa si Abel ng Buttered Barbecue Chicken, Vegetable Kare-kare at white rice. Sinaluhan niya rin ito at uminom na rin ito ng wine na siya mismo ang nagsalin sa baso nito.

"Pinababa na ako bilang CEO ng sarili kong kumpanya. I hate it. Dahil sa Nicco na iyon nangyari ito. I hate myself dahil sa kapabayaan ko nangyari ito. Sinamantala ni Harry ang focus ko na I blown up si Nicco at si Aunt Melanie. Para makuha ang puwesto ko." pagkasalin niya sa baso niya ng wine ay mabilis niyang nilagok iyon.

"Pwesto lang yata ang nawala sa iyo hindi ang kumpanya."

"Harry is so suspicious. Binili niya ang mga shares ng ilang board members pati ang shares ng Auntie ko. He gained the trust of the boards pati ng nga clients and accounts namin. Now he wanted me to step down. May maitim na plano ang nerd na iyon. Dama ko. Hindi ako pwedeng magkamali!" muli siyang nagsalin uli ng wine sa baso at mabilis na nilagok.

"Relax, Nerissa. Tingnan mo sa ibang perspective ang nangyari. Oo, nawala ka sa position pero it doesnt mean na lugmok ka na. Isipin mo na iba pang maaaring gawin."

Men Royale Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon