IV The Super Hero

158 11 0
                                    


CHAPTER 4

"NASASAKTAN ako, Abel. Ano ba?" hindi niya na natiis ang reklamo. Nang marating nila ang mansion ay halos ihagis siya nito sa couch at gulat na napaupo siya.

"Gagawa ka pa sunog, Susunugin mo pa ang farm ko!" gigil na gigil na duro ni Abel sa kanya.

Hala, galit siya! Bakit?

"I just want to help. See how fast they run when I shot them with fire arrows!"

"Ah, gusto mo matuwa ako na susunugin mo ang farm ko. Alam ko ang gagawin sa mga iyon na hindi aabot sa ganoon. Alam mo para kang apoy na masyadong mainit. Kung ayos sa iyo na sunugin mo ang property mo ako hindi! Huwag ka rito gumawa ng palabas!"

Natigilan siya.

"Alam mo ang nangyari sa engagement party ko?"

"Paano'ng hindi ko malalaman. Alam na ng buong mundo ang nangyari. Kalat na sa Social Media!"

"Oh my God." napahiya niyang reaksyon.

"At hindi mo sinabi iyon sa akin hindi ba? Wala ka kasing tiwala!"

"Where is that coming? I just do my best to save and help you guys. Just like you did to me last night." mukhang may nais na tumbukin si Abel.

"You don't trust me enough, nakakatampo iyon tapos sa pangingialam mo masusunog pa ang mga kamalig. Sana hindi mo na ulitin iyon lalo na ang pagsunog."

She was disappointed. Akala niya ay natutuwa ito sa pagtulong niya.

"Senior, wala na pong sunog. Maayos na ang lahat." ani Manong Menandro

"i am sorry. Ang gusto ko lang naman ay tumulong. It's not my intention to harm you!" naluha niyang sabi at patakbong umakyat patungo sa guestroom.

"Nerissa!" tawag ni Abel sa kanya.

Nagbingi-bingihan siya. Hindi siya makapaniwala na hindi na-appreciate ang ginawa niya.

PINILIT ni Nerissa na ayusin ang sarili kahit na naiinis siya.

I think my stay here is enough. I got charge. I have to go ang face my own battle.

Pagtayo niya sa kama ay may kumatok.

"It's open." sabi niya.

Pumasok si Abel na may dalang paper bag. Inilagay iyon sa side bed,

"Nagpabili ako kayo kay Luke ng damit mo. Sana magkasya para may pamalit ka."

Ayaw niya itong imikin. Kinuha na lang siya ang damit. Isang red blouse at pants. Agad niya ring binalik iyon sa paper bag.

"Hindi mo ba nagustuhan?" untag nito.

"Thanks pero hindi naman kailangan."

"Kailangan mo dahil alam ko na wala lang pamalit."

"Nag-thank you ako hindi ba? Buti nga nag thank you ako, gusto mo isukat ko pa iyan sa harap mo?" may sarkasmo niyang sabi.

"Galit ka ba dahil pinagalitan kita? Intindihin mo ako dahil kung masunog ang farm hindi lang ako ang mawawalan pati ang lahat ng mga tauhan ko na umaasa dito."

"I hope you understand me also because all I want is to help you. Sorry kung hindi ko agad naisip iyon. Don't worry, hindi na ako makakabala sa iyo dahil aalis na ako."

"Alam mong inalok ko sa iyo ang lugar na ito. It's safe here."

"Safe place? There's a lot of thugs there. Well, as you can see I can fight them. Wala ka lang tiwala."

Men Royale Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon