XI. Meaningless

170 9 0
                                    


CHAPTER 11

IPINASYA ni Harry na mag resign at ibigay na ang lahat ng shares niya kay Nerissa dalawang linggo matapos ang nangyari sa Residencia Alonzo. Naging dahilan iyon ng pagtatalo nila ni Harry sa opisina niya.

"I cant accept it. Your resignation lalo na ang transfer of share. The company needs you." mariing sabi niya kay Harry

"You have to. Ito ang gusto ni Kuya Abel. Sumusunod lang ako."

Inirapan niya ito. Gesture of defense sa namuong kirot nang marinig niya ang pangalan ni Abel.

"Bakit hindi mo na siya dinalaw?" nagtakang tanong ni Harry

"What for? As you can see wala ka dito at hindi puwedeng pabayaan ang Marissa."

"Kaya nga nag resign na ako para tulungan si Kuya Abel. Matapos ang ginawa niya sa iyo bigla mo na lang siya babalewalain."

"Okay, kung gusto mo tanggapin ko ang resignation at ang shares mo. Then I will. Umalis ka na!" naiinis niyang sabi.

"Well fine. Besides hindi ko naman talaga pera iyan. Pera ni Kuya Abel ang pinangbili ng shares ko. It's risky mission pero ginawa ko dahil hindi lang kapatid ang turing ko sa kanya. He is a father I never had. Kinupkop niya kami ng kuya ko at itinuring na pamilya. Mabuting tao si Kuya. I knew you were hurt when you find out who he was pero hindi niya itinuloy na kunin sa iyo ito. And now it's all yours and no one will ever take this from you. Goodbye."

Pag-alis niyon ni Harry ay hindi na niya napigilang maluha at mula niyon ay naging saksi ang opisina niya sa kanyang araw araw na pagluha dahil kay Abel.

THREE MONTHS LATER

MARISSA FOODS EVENTS HALL

Nasorpresa si Nerissa sa pagpasok niya ay binigyan siya ng suprise party ng lahat ng mga tauhan ng Marissa. Kahapon ay tinanggap niya ang Female Entrepreneur of the year na hindi niya inaasahan at hindi niya rin inasahan na may suprise party na inorganize para sa kanya.

"Congratulations Sishie. The whole Marissa is so proud of you." natutuwang lumapit si Maila.

"You organize this?" after asking it she grinned so wide.

"Sino pa ba?"

"Thanks Maila and thanks to everyone." na flattered niyang sabi sa lahat na talagang nagpataba ng puso niya dahil naroon ang lahat mula sa mga Board Members hanggang sa mga Utility.

"Say some words, Nerissa." sabi ni Mrs Tenorio at giniya siya paharap.

Humarap siya sa mga ito.

" I never thought that I will get the award and it's an honor not only for me but to Marissa. All I want when I take again my place as CEO is to break the plateau of Marissa and prove myself that I can protect and run Marissa. Hindi iyon madali dahil bago ako nakabalik ay matindi ang pinagdaanan ko sa mga tao na nagnais na makuha ito sa akin. Sa atin. Now Marissa is about to reach its global market. I promise that the Marissa's success will flow not only to me but to everyone here. As the CEO and Board leader, gagawin ko lang lahat para sa patuloy na tagumpay ng Marissa. Not only in my watch but also in my lifetime."

"Matitikman hindi lang sa whole Asia at American Continent ang Marissa Food Product pati na rin sa Europe. Really we are blessed to have you Nerissa. Pinatunayan mo na ang royalty mo dito sa Marissa is not by birth but by worth. Kung nasaan man sina Nerio at Marissa, I believe they were so proud of you." sabi ng kanyang Ninang.

Natuwang niyakap siya ng kanyang ninang. Masaya naman siya sa nangyari mula nang maging CEO siya uli ngunit may bahagi ng puso niya na nagbibigay ng matinding lungkot sa kanya.

Men Royale Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon