Pakiramam ko, magkakaroon na ako ng stiff neck sa dalawang minuto kong hindi ginalaw ang ulo. I don't want to look. I can't look.
I know the owner of that voice. I understand the greetings that he said in German language. And I felt butterflies in my stomach the moment he said those.
...mien bernstein.
Binati niya lang ako ng happy birthday at sinambit ang dalawang salitang iyon ay hindi ko maitatangging kinilig ako. Hindi ko alam kung saan lilingon para maitago ang namumula kong pisngi.
Maliban sa nagkaroon kami ng pangit na pagtatagpo ng landas at nakakalokang sagutan sa isang cafe, kilala siya ng mga kaibigan ko base sa nakikita kong reaksyon nila sa bagong dating.
Ba't ako lang hindi nakakakilala sa kanya?
Nauna nang sumalubong si Scire sa bisita. "Hey, bro. Ba't ngayon ka lang? Come on. Let's drink!" Yaya niya sa perverted alien na dumating.
"Yeah, sure. It's a party, right?"
I can't still believe that he is right here. Parang nanaginip ako. What a really small world, huh?
"Sorry Ria. Hindi namin nasabi sayo na inimbitahan namin si Seb sa birthday party mo." Sinserong sabi ni Yume.
Seb. Hmmm...nice name. But, still a perverted alien to me. Tsk. Tsk. Tsk.
"He is Scire's and Jacob's first cousin. Coincidentally, he's here to close a business deal when we called him. Kaya yon."
Patuloy na paliwanag niya sa akin habang inaayos ang pagkakaipit ng buhok ko pati na ang lukot sa damit ko.
"I-It's okay. T-The more, the merrier. Ri-Right?" Naiilang na sagot ko sa kanya habang pilit na ngumingiti. Napapalunok pa ako sa kaba na hindi alam kung saan galing. Nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko.
Hindi nila alam na nagkita na kami kahapon at hindi na dapat malama
I just need to freakin' calm myself down and talk normally with them. With him.
That's right.
Akala ko matatapos ang party na ligtas ako. Sa kalokohan nila. Akala ko lang pala.
Lahat kami ay pabilog na umupo sa maputing buhangin ng Zharra Beach. They decided for us to play Truth or Dare but with a twist. It will be played by pair.
Obviously, it's Risse and Jacob; Yume and Scire; the Montreal Twins; and Jackie and Terra.
What?! When did they became close?
Kaya wala akong ibang choice. Partner kami ng lalaking katabi ko ngayon. As in magkadikit pati mga balikat namin.
Hays! Erin ba't nasa ganito tayong sitwasyon?
Gusto ko man gumalaw para umusog ay nahihiya ako sa kanila. Baka kung ano pang isipin ng katabi kong perverted alien.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanuksong tingin at ngiti ng mga kaibigan ko. Alam ko na ang tingin na yan.
Ako kaya nagpa-uso ng ganyan sa grupo. "Bagay kayo." Yan ang nais nilang ipahiwatig.
Tumikhim ang katabi ko na si 'Seb'. Yun ang tawag nila sa kanya. Siguro napansin din niya ang nangyayari pati na ang pagka-ilang ko sa presensiya niya kaya bahagya siyang umusog sa gawing kanan.
Nagsimula na kaming maglaro at ang unang ikot ng bote ay huminto sa tapat nina Scire at Yume. Dahil sina Risse at Jacob ang unang nag-asawa sa grupo, sila ang unang magtatanong.
YOU ARE READING
SCINTILLA
RomanceNot being able to write and express what's inside that pretty little mind of hers is like talking to the air. It's nonsense. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatambay sa harapan ng study table niya. Who would think that a famou...