Chapter 8

45 2 0
                                    

Na-miss ko mag-UD huhu. Hirap balikan yung last scene. Btw, hi Zepphies ko. Enjoy reading.🥰

† † †

RIA'S POV

Wala sa sarili na napatingin ako sa sahig. Yung lampshade ko pala ang nahulog. Pinulot ko ito at sinuri kung gaano ka-lala ang sira. Medyo may bitak lang sa gilid pero gumagana pa naman ang ilaw.

Thanks God! Wala pa akong balak bumili ng bago. At wala rin akong pambili ng bagong lampshade.

Tila pagpatak ng kamay ng orasan sa saktong alas-dose ang pagkahulog ng lampshade. Gaya ni Cinderella, may hangganan ang kasiyahan at mala-fairytale kong sandali. Babalik lahat sa dati. Tila pinaalala sa akin na mali ito. Mali ang ginawa ko. Pakiramdam ko nagtataksil ako kahit wala na kami ni Zen. Nakakapagod nang mag-isip.

Lumabas ako para kausapin si Seb. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat. Hindi ako tanga at manhid para hindi mapansin ang nakita sa mga mata niya kanina. Hindi ko siya dapat sisihin dahil hinayaan ko rin siyang gawin iyon sa akin.

It was a total defeaning silence between us when I entered the kitchen. Naroon siya sa may lababo. Nakatayo at nakasandal habang nakayuko ang ulo. May hawak siyang baso sa isang kamay.

"Seb..." Hindi ko alam kung narinig niya ako o ayaw niya lang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya. More or less six steps away from him.

"Sorry. I didn't mean that." Paano ba ako magsisimula ng kwento? Pati ako naguguluhan. Bakit kailangan magpaliwanag? Ano ko ba siya?

Hay naku Maria! Nakakagigil ka.

"Uhm... I mean the ki-kiss was not a big deal for me. Don't worry. Kakalimutan ko na lang na nangyari 'yon. Nadala rin kasi ako." Binulong ko na lang sa hangin ang huling sinabi ko dahil sa hiya. "Sorry din sa pagtulak ko sayo. Nabigla lang ako dun sa lampshade na nahulog."

Pinagsiklop ko ang mga kamay dahil sa kaba. Sa pagkakataon na ito ay umangat na ang ulo niya at tumingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Marami pa sana akong gustong sabihin pero sa itsura niya ngayon ay parang wala siyang panahon na makinig sa akin.

"Yeah? Okay."

Ngumiti siya pero parang kapos at malungkot. Linapag niya sa mesa ang baso at naglakad palabas ng kusina. Ramdam ko na may nag-iba. Seryoso at malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Siguro nasanay lang ako sa kanya na walang ibang bukambibig kundi ang pagtawag sa akin ng "baby". Pati na ang masayahin niyang mukha at malokong ngiti sa labi.

Pero wala ako sa lugar para magsabi sa kanya ng mga napansin ko. Nang mga nakikita ko. Nang mga naiisip ko. Wala akong karapatan magsabi ng mga ganoong bagay. Maybe we were just merely strangers acquainted to each other by our mutual friends.

SEB'S POV

I want to strangle myself for kissing her. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at basta ko na lang siyang hinalikan. I really can't help myself from touching and teasing those luscious rosy lips of her.

Nakakaakit. Nakakabaliw. Nakakawala ng wisyo.

Isang tingin pa lang sa kanya ay para akong nalalasing. At mas lalo akong nahahatak palapit sa kanya sa katotohanan na wala pa siyang ginagawa pero para akong iniimbita. Ano pa kaya kung may gawin na?

Ang mala-rosas na halimuyak niya ay nanunuot pa rin sa pang-amoy ko. Natural na natural iyon at mas lalo akong hindi makapag-isip ng tama. Hindi ko alam pero kailan pa ba ako naging manyak? I felt bad for kissing her but I'm not guilty. If given the chance, I'm gonna do that all over again.

SCINTILLAWhere stories live. Discover now