Chapter 6

62 3 0
                                    

A/N: Sorry po for the slow update, ha?😅 so much activities in ol class. You feel me?Hahaha. Istorbo si module kay wattpad eh. Charrr😂💗 Enjoy reading, Zepphies😄😍😘

† † † † †

RIA'S POV

Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan siya makatitig sa akin. Nakapangalumbaba sa may mesa at diretsong nakatingin sa mga mata ko ang kulay asul niyang mga mata habang nginunguya ang cheeseburger na mukhang hindi naman nababawasan. He looks really, really weird.

No, scratch that.

He's getting weirder and weirder since I first met him at the Zharra beach. And when I say weirder, he's being so clingy, touchy and like now, always staring at me. Nabibigla na lang ako tuwing ang lapit-lapit na niya sa akin. Hindi niya ba alam ang so-called personal space?

Hush, nevermind na lang nga.

Gaya ng napag-usapan namin kanina sa apartment ko, kakain kami sa labas. Kaya, nandito kami ngayon sa isang 24-hours open convenience store at kumakain ng cheeseburger na may libreng cold drinks. Pagkatapos namin kumain dito ay mamimili naman kami ng grocery sa katabing tindahan.

"Ilang taon mo ba balak kainin yang cheeseburger?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na hindi mag-usisa sa kanya. Sayang kasi nung burger, baka dapuan na ng langaw. "'Pag panis na ba? Huh?" Ramdam kong tumaas ang kanang kilay ko nang sinabi ko iyon.

Pagdating talaga sa lalaking ito parang nagiging ibang tao ako. Bigla na lang akong nagiging mataray, pilosopo at brutal. Baka sunduin na lang ako nila Yume sa kulungan kapag nagpatuloy ito.

Tumawa naman ang damuhong lalaking nakaupo sa harapan ko kaya nagbalik ako sa kasalukuyan. "Isa."

"Ano?! Isang taon pa ang hihintayin ko para maubos mo ang isang regular cheeseburger?!" Hindi ko sinasadyang pagtaasan siya ng boses kaya naman nagtinginan sa amin ang ibang mga tao na kumakain rin sa loob ng convenience store. Naiilang na lang akong ngumiti at humingi ng despensa sa kanila.

Mas lalo tuloy tumawa ang walanghiya!

Sarap ipatapon sa Mars para makasama na niya yung mga kauri niyang alien.

"Just chill, baby." Ngumisi siya ng nakakaloko. "Masyado mainit ang ulo mo." Isa na lang talaga, hahambalusin ko na ang lalaking ito. Ayan na naman yung pagtawag niya ng baby.

"Bilisan mo na kasing kumain! Ang bagal!" Ismid ko sa kanya. "Bibili pa tayo ng mga pangluto. And of course, papalitan mo yung kitchen ko, di ba?" Sa pagkakataong ito, nakangisi na ako.

Linunok muna niya ang nasa bibig at uminom bago nagsalita. "Of course, baby. I always keep my promise." Sabay kindat niya sa akin.

I looked at him with disgust in my face. Naiiling lang siya na tumawa sa akin.

"Come on, let's buy now!" Hindi ko namalayang ubos na pala niya ang kinakain dahil naaaliw ako sa panonood ng mga batang naglalaro sa labas.

Such cute babies.

Nakatayo na siya sa may gilid ko habang nakabukas ang kanang palad niya. Out of courtesy, I accepted his hand and slowly stand up but only to trip myself.

"Aaahhh---" Akala ko didiretso ako sa makikintab at mapuputing tiles ng sahig. Mabuti na lang at nasalo ako ng damuhong ito. Quick reflexes, huh? I said to myself.

Magpapasalamat na sana ako nang may mapansin ako. Ang lokong 'to! Sinamantala pa ang posisyon naming dalawa ngayon. Bahagya akong nakayakap sa kanya habang ang kaliwang kamay niya ay nakasalo sa likod ko. Pero ang kanang kamay niya ay nasa...

SCINTILLAWhere stories live. Discover now