Alas-singko na ng hapon nang magising ako dahil umaga nang natapos yung party sa may Zharra beach.
"Ooowwhhh..." Kahit halos walong oras na ang naging tulog ko ay nahihikab pa rin ako sa antok. Masyado yata akong nag-enjoy kagabi kahit wala naman akong ibang ginawa kundi ang umupo.
Agad akong bumangon para maghanda ng makakain. Ngayon lang kumulo ang tiyan ko nang ganito.
Yung parang galit at may kaaway.
Naghalf-bath na ako at nagbihis. Balak kong pumunta muna sa palengke para mag-grocery.
"Paubos na yata yung mga pagkain na binili ko nung isang araw..." Sambit ko habang iniisip kung ilan na ang nakain ko doon.
Kinuha ko muna ang wallet at pumunta sa kusina.
"Aaahhhh!!!" Napasigaw ako nang may makitang naka-topless na lalaki at nagluluto sa mismong kusina ko.
Muntik pang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa nilalang na nasa harapan ko. Remind me to kill this perverted alien later.
"Hey! Calm down, Amber-baby." Alo niya sa akin. "It's just me." Prente pa ang pagkuha at paggamit niya ng mga gamit kong panluto. Feel at home talaga. Ang damuho.
"Anong calm down?!" Hindi ko alam kung pabulong o pasigaw ang pagkakasambit ko nun. "At saka tigilan mo nga ako sa pagtawag ng Amber-baby na yan!"
"Can't you realize that you're not the only one living here? Stop shouting or screaming." Ngumisi siya. "Or else..."
Pabitin naman ang perverted alien na ito.
"Or else what?!"
Hindi ko alam kung gaano na kataas ang kilay ko sa pagka-asar sa kanya.
"Or else...you're neighbors will think that you're doing something lewd."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. "A-Ano?!" Pinapainit niya ulo ko. "A-Anong doing s-something l-lewd?!"
Ang bibig talaga nito! Walang filter kaya walang duda na pinsan talaga siya ni Scire. Such annoying Monteveros.
Tumawa lang ng malakas ang lalaking nasa harap ko. Sarap ipatapon sa Mars, kagigil!
"Ang bastos mo talaga!" Kinuha ko na lang basta ang kutsilyo sa may kitchen island at akmang ibabato sa kanya nang tumawa muli siya.
"Hindi ako nagbibiro! Tatadtarin talaga kita, bastos na damuhong lalaki ka!" Mas lumakas lang ang tawa niya habang ako naman ay nagdidilim na ang paningin.
Makakapatay yata ako ngayon sa mismong apartment ko.
"Akala mo ba nakalimutan ko na?! Nung hi-hinalikan mo ko sa may Zharra beach tapos...tapos sinabi mo pa kagabi sa mga kaibigan ko na boyfriend kita! Akala mo ba natutuwa ako?! Ha?!"
Nangangati na talaga ang kamay ko na ibato sa kanya ang kutsilyo. Ang paghahabulan namin nakaabot na hanggang sa sala.
"Woah! Wait a minute, baby." Hingal-hingal niyang sabi. Ikaw ba naman habulin ng kutsilyo kung hindi dumoble ang pulse rate mo. Bahala siyang mapagod.
"Tigilan mo ko ako sa pagtawag ng baby na yan!" Akmang ibabato ko muli ang kutsilyo nang magsalita siya. Nakangisi pa rin siya pero kita ang sinceridad sa kanyang mata.
"Okay. I accept defeat. Bitawan mo na baby ang hawak mo." Tinaas pa niya ang kamay tanda ng pagsuko.
"Sinabi nang wag mo ko tatawaging baby!"
"Okay, okay, just calm down first."
Madali naman akong kausap kaya binaba ko na. But I won't let my guard down. Baka ulitin na naman niya yung ginawa niya kahapon.
YOU ARE READING
SCINTILLA
RomanceNot being able to write and express what's inside that pretty little mind of hers is like talking to the air. It's nonsense. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatambay sa harapan ng study table niya. Who would think that a famou...