Chapter 6: SHINE's POINT OF VIEW

21 3 3
                                    

SHINE’s POV

Ang hirap pala, ang hirap pala i-let go ang taong mahal mo, hindi ganoon kadali para saakin na sabihin sa kanya na kailangan na namin tapusin ang relasyon namin. Mahal ko siya, Mahal ko si Matthew, at ang pagpaparaya? It’s a painful process; I remember when my friend told me. If you want to have a great life, a life with God full of blessing and love, you must uproot the inner root in you, kasi yung roots na yun, yun yung nagiging dahilan bakit habang tumatagal, lumalawak at lumalaki yung inaalagan nating kasalanan, same as through in relationship, yeah, my boyfriend is an Atheist, he never believes in God, lagi kaming nag-aaway to the point na iniisip ko I’ll stop or I’ll quit being a Christian para sumama sa kanya, pero you know hindi ko ata kayang ipagpalit si God sa kanya, kahit mahal ko pa siya. alam kong ito ang consequences ko dahil nagmahal ako ng non-christian, nagmahal ako ng taong hindi ko kauri.

Nakaupo lang ako sa gilid ng bed ko, iniisip ko, mag-wowork pa ba kami ni Matt? Kasi pagpinagpatuloy ko ‘to alam kong masasaktan lang ako sa huli, Oo mahal ko si Matt pero kailangan ko ring gawin ‘to.

Masakit para sa akin ang desisyon na ‘to, masakit ang sobrang sakit na pipili ka sa dalawa, si God o si Matt?

Kung papairalin ko lang siguro pagiging worldly ko, baka si Matt ang pipiliin ko at si God ang iiwan ko, I know the consequences if I choose Matt.

Buo na ang loob ko, masakit man para sa akin, nasasaktan man ako at masasaktan ko man din siya, kailangan ko siyang bitawan, kailangan ko siyang i-break, kailangan kong isakripisyo yung pagmamahal ko sa kanya alang alang s abuhay ko at ganoon din sa buhay niya.

It sounds selfishness because it’s for my sake, but like what my mom told me, It’s better to be selfish about choosing God, rather being selfish choosing what the world wants.

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko, gusto ko kasing pigilan dahil ayokong umiyak pag nagkipag-break na ako.

“Shine, you ok?” my mom, that’s my mom, hindi ko na kasi napigilan yung paghikbi ko.

“mom, I’ve decided, I’m going to break up with him mom, I know you’re right, and kailangan kong maging selfish para sa sarili ko, nagmahal lang naman ako di ba? pero kasalanan ko parin yun kasi nahulog ako sa isang Atheist mom” napahagulgol na ako ng yakapin ako ni mommy.

I’m blessed that my mom is there for me, though wala na si dad, nagpapasalamat parin ako kasi, si mommy yung nariyan para i-comfort ako ng hug niya. I love my mom.

“Shine anak, I know masakit, naranasan ko na rin yan anak, pero tama lang yang gagawin mo, it’s not the end, it’s for your sake, and for his sake, malay mo, God will make a way para maintindihan at matauhan talaga si Matthew pag-ginawa mo to, God knows the best for you anak, kaya although masakit ang part na ‘to, you have to let go of it!” wika ni mommy, and because of that, hindi ko na napigilan na umiyak ng umiyak, ang sakit, ang sakit na ilet go ang mahal mo.

Para kasing tinik yan na malaki na-naitusok sa puso mo, at dahil kailangan mong alisin para malunasan ka at mapagaling, kailangan ‘tong bunutin. At masakit yun! Kung physically masakit na, mas masakit ‘to spiritually.

But I need to.

Because I love you Matthew and I love My God.

Nagtext ako kay Matt na magkita kami ngayon, gusto ko na kasi sabihin sa kanya, ngayon na at ayaw ko ng patagalin pa. kasi pagpinatagal ko pa, alam kong masmasakit ‘yon.

Narito ako sa isang park na walang gaanong tao, buo na talaga ang loob kong makipag-hiwalay sa kanya.

Maya maya lang dumating na siya, nakita ko siya mula sa malayo.

The godly and the BeastlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon