Flashback 1.5 - The final backstory of Raze Mondragon

701 36 8
                                    


AFTER an hour na pamamalagi ni Raze sa loob ng banyo lumabas ito na nakapaligo na at nakatapis ng tuwalya. Niligid niya ang kanyang paningin ngunit wala na si Kassandra sa loob ng kwarto, maging ang kama ay nakaayos na at ang boteng kanyang hinagis ay wala na rin.

Napaupo si Raze sa ibabaw ng kama at yumuko ito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa bago ito tumayo at lumakad patungong cabinet. Isang pares ng pang-alis ang kanyang kinuha atsaka isinuot. Pagkaraan ng ilang minuto kinuha nito ang kanyang wallet at susi ng sasakyan na bago lamang na binili ng kanyang ama para sa kanya. Lutang ang isipang bumaba at tuloy na lumabas ng apartment ngunit lingid sa kanyang kaalaman, si Kassandra ay naroon lamang sa dulong bahagi ng kaniyang sofa at nakatulog.

Pagtapat ng gate binukas niya ito atsaka tinungo ang kanyang kotse at pinaandar palabas. Bumaba siyang muli para isarado ang gate at tiyaking naka-lock ito ng maayos. Pagbalik niyang muli sa sasakyan, ilang segundo rin ang lumipas na tila nakatingin si Raze sa kawalan. Manakang napailing ito at bumuntong hininga. Banaag sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman lalo na't hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang naging kilos ng babae sa kanya.

'Ano ba talaga ang pagkatao mo Kassandra? Gawain mo na ba ang ganyan?'

Inihilamos ni Raze ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at suminghot upang pigilin ang luhang nagbabadya nang tumulo. Binuhay ni Raze ang makina atska niya ito pinaandar. Kung saan siya patungo ay iyan ang walang katiyakan. Paglabas niya ng subdivision nadaanan niya ang university kung saan siya nag-aaral. Diretso niyang binagtas ang kahabaan ng kalsada hanggang sa dumako siya sa mismong boundary na nag-uugnay sa Edsa.

Palibhasa ay alas-onse na ng gabi, ang lugar ay buhay na buhay sa mga ilaw na nakasindi. Huminto siya sa isang bahagi na hindi masyadong matao. Lugar na tila mayayaman ang mga nagpupunta base sa mga sasakyang naka-park roon.

ELITE CLUB, iyan ang nabasa ni Raze sa tapat ng kanyang sasakyan, may ilan-ilang naglalabas-masok roon na halos kasing edad niya lamang. Pin-ark ni Raze ang kanyang sasakyan sa gilid ng club na may sign na 'for customer only' at bumaba. Pagtapat niya sa security guard at bouncer ng club agad siyang hinihingian ng valid id. Matapos na masuri na siya ay nasa tamang edad na ay hinayaan na siyang makapasok roon.

Fist time ni Raze na pumasok sa ganoong lugar kaya awtomatikong sa bar counter na kaagad siya dumiretso. Lumapit sa kanya ang isa sa mga bar tender at tinanong siya kung ano ang kanyang iinumin. "Good evening, your drinks sir?"

"Just give me a shot of tequilla please and a lemon." Sagot ni Raze.

"First time po ba ninyo dito sir? Why don't you try our hawaian grenade? It's a mixture of wild fruits and whisky. Best for you na medyo bata pa. Hindi siya masyadong nakalalasing" suhestiyon nito sa lalaki.

"Okay, give me one please." sang-ayon ni Raze.

"Right away sir." anito kay Raze.

Habang pinapanood ni Raze ang pagtitimpla ng bar tender sa kanyang inumin, dumarami na ang mga taong pumapasok sa loob ng club, nagiging maingay na rin sa paligid.

"Here's your drink sir." sabay abot ng bar tender sa kanya ng drinks.

"Thanks." anas niya rito.

Kinuha ni Raze ang baso at sinimsim ang amoy nito bago tinikman ang lasa. Nang magustuhan ay agad niya itong tinungga at inubos. Maya maya lamang ay humingi pa ito ng isa pa sa bar tender na nag-asikaso sa kanya. Sa pagkakataong iyon muling bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila kanina ni Kassandra.

Raze Mondragon - Pervert SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon