Chapter THREE

789 47 11
                                    

SIMULA ng mag-umpisa si Raijin sa military malaki na ang pinagbago ni Raze, kahit nagpatuloy ito sa pag-aaral at nakakasalamuha ang kapwa niya estudyante hindi iyon nakatulong para mapabuti ang lagay ng kanyang health condition. Mas lalo siyang naging aloof sa mga tao at naging subsob sa pag-aaral maging sa kanyang on-the-job training ay buhos ang kanyang atensyon ngunit ang kanyang pakikisalamuha sa ibang tao ay limitado lamang.

Minsan dumating din sa pagkakataong napasabak si Raze sa trouble dahil lamang sa isang biro na hindi niya ito nagustuhan, ang tawagin siyang may saltik sa ulo ng isa sa kanyang kaklase sa kolehiyo.

Idagdag pa, simula ng bumalik siya sa hospital para sa follow up checkup ay hindi na niya nakita pang muli ang lalaking nagpagulo ng kanyang isipan. Tila bumabalik sa kanyang alaala ang mukha ng lalaki, ang pakiramdam noong dumampi ang kamay nito sa kanyang dibdib na nagdudulot ng init sa kanyang katawan. Simula noon ay naging mapaghanap na si Raze. At halos ikabaliw niya ito. Pinilit niyang ibaling sa ibang babae ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinatawag ito ng pangungulila at init ng katawan. Sa bandang huli ay bigo lamang si Raze at nauwi na lamang sa pakikipaglaro sa iba't ibang babae.

Kung matatandaan, umuwi pa ang kanyang ina mula sa Pilipinas patungo ng Vienna dahil sa matinding pag-alala, hindi kasi na niya sinasagot ang mga tawag ng kanyang magulang at mga kapatid, maging ang schedule ng kanyang klase ay hindi niya pinaalam maging ang lugar kung saan naroon ang kanyang bahay. Higit sa lahat itinigil na niya ang pagpapagamot sa kanyang Psychiatrist dahil lalo lamang siya nakakaramdam ng kakaibang lungkot sa tuwing pupunta na siya ng hospital at malaman sa bandang huli na hindi na doon nagpa-practicum si Dr. Sigmund Lewis Monteyala.

Hindi na rin siya umasa sa tulong ng kanyang ama na isang turkish national na naka-migrate sa bansang iyon, kahit pa sabihin na mayaman na talaga ang pamilyang Tiryaki, hindi lamang sa buong Vienna maging sa bansang pinagmulan ng kanyang ama, sa Istanbul Turkey. Natuto siyang tumayo sa sariling paa at dumiskarte sa kahit na anong paraan puwera na lamang sa pagnanakaw o illegal na gawain. Ginamit niya ang kanyang charm sa ilang tao na alam niyang hindi ma-iinvolve ang kanyang feelings. Para sa kanya, 'You need my body, I need your money.' hanggang sa may nakatagpo siyang matandang lalaki na walang sariling pamilya at multi-billionaire. Inalok siya nito na mag OJT sa kumpanya nito at ginawa pa siyang personal assistant. Hindi manhid si Raze para hindi niya mahuli kaagad ang motibo ng matanda sa kanya kaya isang gabi ng imbitahan siya ng matanda sa penthouse nito dito lumabas ang totoong motibo, kaharap ng isang legal document ay ibibigay sa kanya ang lahat sa isang kondisyon, ang maging kaulayaw nito sa bawat gabing nangungulila ito sa kanya.

Sakto nang sila ay mag-inuman nakaramdam si Raze ng pangungulila kay Sigmund kaya nagawa ng matanda ang nais nito dahil sa kanyang pag-uubaya. Sa bawat haplos sa kanya ng matanda ay si Sigmund ang nasa kanyang isipan. Sa bawat pagdampi ng mga labi nito sa kanyang balat ay nagbibigay ng ibayong pakiramdam dahil imahe ni Sigmund ang gumagawa sa kanyang isipan. Sa bawat paghalik, pagpisil nito sa kanyang kalamnan ay kanyang tinatanggap.

Biglang napaungol sa sarap si Raze ng maramdaman niya ang mainit na bibig nito ng isubo na nito ang kanyang pagkalalaki lalo na nang umpisahan na ng matanda na itaas at ibaba ang kanyang paggalaw na lalong nagpatigas sa kanyang pagkalalaki.

'Fuck, Sigmund. I want more ugh!' sigaw niya sa kanyang isipan

Tumagal sila sa ganoong position hanggang sa makaraos si Raze.

Lubos naman ang kasiyahan ng matanda at simula noon, nagkaroon na sila ng special relationship na tanging silang dalawa lamang ang nagkakaunawaan.

Ang matanda rin ang siyang dahilan upang ang pinapangarap na hotel ni Raze na siya mismong nagdesenyo ay matupad. Binuhusan niya ito ng hirap at pagod sa pagtatayo ng hotel na iyon. Kapalit ng kanyang katawan. Naging loyal naman si Raze sa matanda at hindi siya nakipaglaro sa kahit na sinong babae sa panahong naging sila ng matanda. Palibhasa ay wala namang sariling pamilya ang matanda at legal ang dokumentong kanilang pinirmahan kaya ang hotel at ang kumpanya na iningatan at pinalago ng matanda sa loob ng maraming dekada ay sa kanya pinamana nang ito ay magkasakit ng malubha at bawian ng buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Raze Mondragon - Pervert SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon