Chapter TWO

556 40 2
                                    


HABANG tahimik na nagsusulat ang lalaking assistant ng doctor sa table nito, hindi maiwasan na hindi mapatitig si Raze. Tila bawat anggulo at kilos yata ng lalaki ay pinagmamasdan nito at kinakabisa. Panaka naka naming sumusulyap ang lalaki kay Raze at kapag nagtatama ang kanilang mga patiningin ay 'di maiwasan na ngumiti ito.

"Awkward..." anas Raze sa sarili.

"Come again? Do you need anything? Would you like some coffee or tea perhaps?" tanong nito kay Raze.

Umiling lamang si Raze, "No. Are you a filipino?" bigla nitong natanong sa lalaki.

"Ah, yes. But since Senior High dito na ako nag-aral.Oh I'm sorry. Do you understand tagalog. Filipino dialect?" alanganing tanong niya kay Raze.

Raze rolled his eyes na tila napipikon at napakamot na lamang sa gilid ng kanyang mukha.

"What a stupid answer, right?" tila nahulaan na ng lalaki ang nasa isip nito base sa reaction ni Raze. "You look like halfblooded, I mean you're a half filipino and?"

"Half Turkish." Walang ganang sagot ni Raze.

"Oh, I see..." ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis at ipinagpatuloy na nito ang naudlot na pagsusulat.

"Oh, that smile again, fuck!" bulong ni Raze. Tila naiinip na si Raze sa paghihintay kaya kinuha nito ang kanyang cellphone at kanyang inilapag sa ibabaw ng lamesa upang paikutin at paglaruan. Tiningnan lamang ito saglit ni Sigmund at muling bumalik muli sa sinusulat.

"Naiinip ka na ba? Napaaga kasi ang dating mo actually 30 minutes more bago dumating si Doc. If I we're you, you can have a snack, tutal ikaw lang naman ang naka-schedule ngayong araw kay Doc and tapos ko na rin na ayusin itong record mo." Aniya kay Raze.

Biglang tumunog ang cellphone ng assistant doctor kaya nagpaalam muna ang lalaki na sagutin ang tawag. "Excuse me, I will take this call." Tumayo ito at gumawi sa may pintuan. "Good morning doc, yes nandito na po siya. Nahanda ko na po ang kanyang record. Ah okay, sige po. I will do it after this call doc. Okay doc, ingat po." Paalam nito sa kausap sa kabilang linya.

"Excuse me sir? Doctor Perez instructed me to do some checking, maari po ba kayong pumasok sa loob para mahiga?" tanong nito kay Raze.

Tumayo si Raze at hinarap ang assistant habang ang mga kamay nito ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Sigmund, right? Cut the formality, naaasiwa ako. Just call me Raze." Anito sa lalaki habang ang mata niya ay nakatingin sa labi ng kaharap. Napalunok si Raze at tila napahiya sa sarili.

"Shall we?" sabay turo ni Sigmund sa loob.

Walang anumang salitang namutawi sa bibig ni Raze na sumunod sa lalaki. Pagpasok niya sa loob agad siyang pinahiga sa isang single bed na may kataasan.

"Please unbutton your longsleeve, I need to check your heart beat and also your temperature." Pakiusap ni Sigmund kay Raze.

Ngunit si Raze naman ay tila hindi narinig ang sinabi ng lalaki kaya muling inulit ni Sigmund ang kanyang sinabi kanina.

Ipinakita ni Sigmund ang hawak na thermometer bago ito muling nagsalita. "Can you please unbutton your longsleeve at least half of it. I need to record your temperature because Dr. Perez is on her way now. Or you want me to do it for you?"

Biglang nangunot ang noo ni Raze sa huling sinabi ni Sigmund kaya ng akmang hahawakan na ni Sigmund ang damit ni Raze ay bigla niyang hinawakan ang kamay ng assistant.

"Okay I will do it. Don't touch me!" tila ito nataranta ng maramdaman ang init ng kamay ng lalaki. Agad naming binawi ni Sigmund ang kanyang kamay at tahimik na naghihintay.

Raze Mondragon - Pervert SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon