Mandy's POV
Lumaganap na naman ang mga sikat na students dito sa SPU, jusko kahit sa'n ako lilingon ang daming nagtitilian kala ba naman nila artista ang mga tinitilian nila
"Mandy nagawa mo na assignment mo?" Tanong sa'kin ni Vivien kaya napatingin ako sa kaniya
"Oo naman ako pa,"sagot ko sabay baling sa mga istudyante na di pa tapos magtilian. Ang sakit nila sa tenga
"Sino ba 'yang tinitignan mo?" Napansin niya ata ang tinitignan ko. Kaya humarap ako sa kaniya, "kilala mo ba 'yan?" Tanong ko sabay turo dun sa lalaking matangkad na gwapo, aish kaya pala tinitilian kasi nga gwapo
Napatingin naman siya sa tinuro ko, "ahh 'yun ba si Liam Garcia? Nako ang gwapo nun..." putek nagsimula na naman siyang kiligin
Ano ba ginawa n'ung Liam na 'yun sa mga babae dito sa school halos araw araw na lang. Ang gulo nila sakit din sa tenga ang kaingayan
"...alam mo naman na campus hearthrob 'yan kaya ganyan ang mga student pag nakikita siya," dugtong niya habang nakatingin dun sa Lalaki'ng pinag fiesta-han ng mga babae. Pati Lower grade nakisali na rin
Hanep a
"Kala mo naman kung sino'ng gwapo tss,"pabulong ko'ng sambit pero mukhang narinig ata 'yun ni Vivien
" Gwapo kaya niya," nasa lalaki pa rin ang atensyon niya..
Gan'un na ba siya ka gwapo?
Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag review dahil may quiz kami mamaya. Habang nagbabasa ako sa notes ko ito naman si Vivien bigla na lang sumigaw
"WAAAAAAAAAAH!" putek sakit sa tenga. Hinarap ko siya, "Sheyt! Tumingin siya dito!" Sigaw niya habang nakatingin sa bandang harapan namin
Tinignan ko naman kung sa'n siya nakatingin at Confirm nga sa'min siya nakatingin
Sa'min??
"Anong nangyari dun? Ba't dito tumingin?" Tanong ko sa kaniya
"Ang kyut ko kasi," sagot naman niya habang nag papabebe
"Wow hiya naman ako sa'yo Vi," sarkastiko ko'ng sagot
Bigla na lang siya sumimangot na parang bata na inagawan ng kendy sarap tumawa..
Pfft
"Ito naman best friend mo ko dapat support ka sa'kin," saad niya
"Support kita kahit ano pa 'yan. Wa'g lang sa kakyutan mo," nakangisi ko'ng sagot
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Likes Poor Girl(ON GOING)
RandomDi ba di naman nawawala sa school ang mga heartthrob? Mga gwapo, cute, mayayaman minsan by groups 'yan sila may apat o Lima What if magmeet ang campus heartthrob at ang isang simpleng babae? Ano ba ang mangyayari? Magiging okay lang ba ang lahat?