CHAPTER FIVE

13 0 0
                                    

Mandy's POV

"Mandy! Okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Vivien

"Okay lang ako. Masakit lang ulo ko" sagot ko kaya tumango lang siya

Nandito kami sa hospital dahil sa nangyari sa'kin kanina sa school..

*flashback*

Narinig ko sa mga kaklase ko na may practice raw ang baseball team ngayon kaya naglalakad kami nila Vivien at Josh papunta sa Field..

"Sure ka ba na manonood ka sa practice nila?" Tanong ni Josh. At nag nod lang ako

Pumwesto kami sa harapan kung sa'n nakaharap samin ang player na magbabato ng bola..

"Andiyan na sila!" Sigaw ng isang student

Lower grade ata 'yun. Tumayo ako ng maayos habang pinagmasdan sila sa gitna. Pumito ang coach nila na hudyat na ibabato na ang bola. Dun ko na lang napansin na ang Loko pala ang magbabato ng bola. Matalim ko siya'ng tinignan kala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya sa'kin kaninang umaga. P'wes hindi pa lagot siya sa'kin kapag makakabawi na'ko..

Pagbato niya ng bola ay imbis na sa Baseball bat tatama ay Mali ako..

Bigla na lang akong napahiga at biglang sumakit ang ulo ko. Kinapa ko 'yun at may DUGO!

"May dugo!" Sigaw ni Vivien

Nagsilapitan silang lahat sa'min pati 'yung mga students na nanonood sa practice nila..

"Dalhin natin 'yan sa Hospital" saad ng coach nila

Nang dahil sa pagdugo ng ulo ko. Nagdilim lahat ng nakikita ko..

*end of flashback*

Habang nakaupo ako sa hospital bed. Di ko mapigilang isipin kung bakit ginagawa 'yun ni Liam sa'kin. May kasalanan ba ako sa kaniya? May mali ba akong nagawa?

O sadyang pinagti-tripan lang ako?

May oras din sa'kin ang loko'ng 'yun. Nawala lahat ng iniisip ko nang biglang pumasok si Mama At Papa sa kwarto ko dito sa hospital.

"Kamusta ka na? May masakit ba sa'yo? Ano ba talaga ang nangyari?" Sunod sunod na tanong sa'kin ni Mama

"Sino'ng may gawa niyan?!" Galit na tanong ni Papa

Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa. Ang sarap sa feeling na may taong nag aalala sa'yo. 'Yung tipo na kunting sakit lang ang mararamdaman mo para na silang nagkakagulo..

Ngumiti ako Kay mama, "okay lang ako ma. Kunting galos lang naman ito.." Sabay hawak ko sa sugat ko. At tinignan ko naman si Papa, "Aksidente lang po ang nangyari pa,"paliwanag ko at nakuha niya naman 'yun

Campus Hearthrob Likes Poor Girl(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon