Mandy's POV
Maaga akong umalis sa bahay dahil wala lang gusto ko lang na maaga ako'ng makarating sa school. Syempre kasabay ko ulit si Josh
"Good Morning Besh!" Bati niya sa'kin habang naka ngiti
"Good morning din," bati ko din sa kaniya
"Ang aga mo ata ngayon.." Nagtataka din ako kung bakit maaga ako ngayon
Noon kasi ang tagal ko magising at palagi akong late pumapasok kaya isang malaking himala ang nangyari sa'kin dahil ang aga ko nagising at ang aga ko papasok sa school
"Di ko din alam e.." Bumuntong hininga ako, "... Isang malaking himala!" Sigaw ko kaya nagtawanan na lang kami
Tinitignan tuloy kami ng mga tao sa daan para kasi kaming tanga. Tumatawa habang naglalakad. Pake nila masaya lang kaya kami HAHAH
Malapit na kami sa gate ng school ng narinig namin ang sigaw ni Vivien
"Good morning guys!" Pasigaw niyang bati kaya natakpan ko na lang ang tenga ko at napapikit na lang ako
"Ang aga pa viang ang ingay mo na!" Sita sa kaniya ni Josh
Ang aga pa e sigaw ng sigaw itong isa dito, "Anyare sa'yo Vi? Ang aga pa e ingay mo na," tanong ko sa kaniya
"Wala lang," nakangiti niyang sagot
"Wala lang?" Taka ko'ng tanong
"Oo trip ko lang sumigaw," sagot niya sabay hagalpak ng tawa
"Baliw na ata Ito e," bulong ni Josh
"Wa'g na nating pansinin 'yan. Hali ka na pumasok na tayo," aya ko kay Josh
Kaya naglakad na kami papasok sa school at iniwan namin si Vivien sa Labas ng di na napapansin. Kaya sigaw na naman siya ng sigaw dahil sa pag iwan namin sa kaniya
"Huy! Hintayin niyo ko!" Sigaw niya pero di namin siya pinansin
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad haggang sa napadpad kami sa bulletin board na may mga nagkakagulo'ng mga student at parang may tinitignan sila
"Wala nama'ng announcement ang mga teacher's ngayon, bakit nagkakagulo sila dun?" Taka'ng tanong ni Josh
Tumingin ako sa kaniya, "Mabuti pa wa'g na na--,"
"Mandy! Tignan mo to!" Pagputol ni Vivien sa sasabihin ko dahil sa sigaw niya habang nakaturo sa mga students na nagkakagulo
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Likes Poor Girl(ON GOING)
OverigDi ba di naman nawawala sa school ang mga heartthrob? Mga gwapo, cute, mayayaman minsan by groups 'yan sila may apat o Lima What if magmeet ang campus heartthrob at ang isang simpleng babae? Ano ba ang mangyayari? Magiging okay lang ba ang lahat?