"Pakilinis naman yung coffee table" utos sakin ni Xenon. Agad agad naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng pamunas. Pagtungo ko sa may sala, naabutan ko si Oreo, yung princess type na shihtzu niya. "Ikaw ha, wag mo kasi guguluhin si daddy mo, lagot ka natapunan mo pa yata yung ginagawa niya" sabi ko kay oreo as if naman maiintindihan niya ako. Napailing nalang ako sa sarili kong kabaliwan.
Iniscan ko gamit ang mga mata ko yung mga papel na natapunan ng kape, nakita ko na may mga nakaimprentang mga pagkain ang nandon, namimili ba siya? para sa resto niya? He owned a restaurant kasi, mga 2 years after we graduated nakapagpundar na agad siya ng negosyo, samantalang ako I am a public school teacher. Medyo hassle lang dahil paguwi ko galing school e kailangan kopang asikasuhin 'tong bahay."Adriella, pakiligpit nalang yan tapos pakainin mo yung mga aso" tipid akong ngumiti at tumango sa sinabi niya.
Ako at ang 2 nalang niyang aso ang naiwan sa bahay namin. Nakakamiss naman yung mga panahong okay pa kami, bahagya nalang akong napangiti sa mga naiisip ko. Nako Adriella Marie kalimutan mo na 'yon.
Me and Xenon were in a relationship for almost 7 years. Naghiwalay kami 9 months ago, pero alam kong iniisip niyo kung bakit nandito pa rin ako sa puder niya. Kami ang bumili ng bahay na ito, Lahat ng ipon at pera ko nilaan ko para makapag live in na kami. Kung aalis ako dito hindi ko alam kung saan ako pupulutin hays. Ako pa ang nagpapaaral sa dalawa kong kapatid at bumubuhay sa magulang ko, masyado na silang matanda para magtrabaho pa. Kumbaga ako ang breadwinner.
Noon kasi sinusuportahan at tinutulungan pako ni Xenon sa pagtulong kila mama kaya okay lang na mag live in kami. Kaya lang, mula nung naghiwalay kami wala na deadma na. Gusto ko man umalis dito, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi rin alam ng pamilya namin pareho na hiwalay na kami. Masyadong masasaktan ang mga pamilya namin kapag nalaman iyon. Hay, hirap.
Niligpit kona ang gamit sa coffee table at dinala ko sa may ibabaw ng mini bar. Agad namang tumahol si Crumble yung husky ni Xenon. Nako, alaga-alaga di naman inaasikaso, pero ayos lang naman. Napamahal na rin naman sila sakin ni Oreo. Binigyan ko ng dog food si Crumble ganon rin si Oreo. After nila kumain, pinainom kona rin sila ng vitamins ng biglang tumunog ang phone ko.
Bakit biglang tumawag yung co-teacher ko? Wala naman akong naalala na may mga forms pa ako na dapat ipasa.
Caller.....
Chandler"Hello chandler? napatawag ka?" sagot ko. "Ah, hello adri busy kaba? sorry h---" "Sabihin mo na sakin ano ba yun?" agad na pagputol ko, nakakainis kasi ang lalaking 'to papansin masyado kahit sa eskwelahan sobra. Minsan napagkakamalan na kaming mag-on sa inaakto niya. "Itatanong kolang sana kung tinanggap mo ba na nso ang birth certificate ng bata at hindi psa?" jusko tatawag ng gabi para lang doon, may gc naman kami bakit di nalang niya doon tignan?? "Hindi, sabihin mo to follow nalang at magbigay ka ng due date. Ugaliin mong magbasa sa gc." sagot ko. "Osige, salam--" Di ko na pinatapos, inoff kona agad dahil kailangan ko pang magplantsa ng mga susuotin namin bukas.
10 pm na nung natapos ako magplantsa. Wala pa rin si Xenon?
Nangangati ako na itext sya kaso alam kong magagalit lang yun. Napagpasyahan kong pumunta na sa stockroom, kung saan ginawa kong kwarto ko. Marami mang gamit pero okay na 'to kesa naman sa kalsada ako matulog. Wala na nga akong iniisip sa mga bills sa bahay dahil si Xenon na lahat doon. Ang gagawin ko lang ay yung mga gawaing bahay. Kaya medyo okay lang kasi halos buong sweldo ko ay sa pamilya ko lang at pang grocery ko ng pagkain ko. Pati kasi pagkain bukod na kami ni Xenon, swerte nga ng mga talagang katulong e may sweldo libre pa pakain, samantalang ako ngangey. May sarili akong drawer box sa kusina kung saan nandon ang mga stocks ko. Minsan nga pag kaunti at mga noodles nalang ang laman non ay tinatago ko, ayokong kaawaan ako ni Xenon. Hay nako, bahala nga siya kung nasaan siya siguraduhin niya lang na ilalock niya yung gate kasi nung nakaraang sobrang gabi na siya umuwi e hindi nya sinara ang gate. Tumayo nako at naghilamos bago matulog.Maaga akong nagising kaysa sa usual na gising ko. Nako aantok antok ako nito sa klase mamaya.
2 am pa lang, inisip ko kung matutulog pa ulit ako. Kaya lang bigla kong naalala, umuwi kaya si Xenon?
Agad akong lumabas para tingnan ang kusina. Nakita kong kalat kalat ang album ng mga pictures namin na ni Xenon, si Oreo ang may kasalanan nito, hayyyy
"Oreo naman, yan na nga lang ala-ala namin ni daddy mo eh" akmang panggigigilan ko si Oreo ng lumabas si Xenon sa may banyo.
"Hindi si Oreo nagkalat niyan, inalis ko na sa may ilalim ng coffee table balak kona sana itapon." malamig niyang sabi.
Umuwi na pala siya? Ano kayang oras? Saan kaya siya galing?Gusto ko siyang tanungin kaso alam kong deadma nanaman ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi niya. Pasimple nalang akong bumuntong hininga.
"Ah gano'n ba? Wag na ako nalang ang magtatago. Kunin ko na ha?" akmang tatayo na ko ng narinig ko pa siyang nagsalita.
"Para saan pa?"
Hindi ko na siya sinagot at tumuloy nalang ako maglakad. Hay bakit ba parang sobrang dali lang sa kaniya ng ginagawa niya?
Maaga pa naman kaya napagpasyahan ko na tingnan ang mga litrato namin noon.
Napukaw ang atensyon ko sa unang larawan. Yun yung una naming picture.
Naalala ko nanaman,
Kung paano at saan nagsimula ang lahat.

YOU ARE READING
For you, I will
Roman pour AdolescentsNangako tayo na hanggang dulo pero ako nalang siguro ang magtutuloy. Dahil kagaya ng araw, lulubog ka din at sisikat sa iba.