Kabanata 3

13 0 0
                                    

"Aray! Ano bang problema mo Adriella Marie?? Alam mo bang muntik kona mahulog ang phone ko?!" inis at halatang hinihingal na pagkasabi sa akin ni Lori. "Pasensya na girl, ayoko lang malate kay Ma'am" hingal ko ring sabi sa kaniya, Mukhang gumana naman ang palusot ko at umirap na lamang siya. Kasi naman, bakit nasakto pa na doon ako natapat nung may kinawayan siya? Nakakahiya sobra. Parang ayoko na siya makita pati na yung babae, Nako naman. Bakit pinagtatagpo kami nung lalaking 'yon?

Agad na umalis si Lori sa puwesto namin at nagpunta sa may counter para bumili ng tubig. Susundan ko na sana siya nang nakita kong pabalik na siya, "Ayan na ang tubig!" sabay hagis niya sa akin ng isang mineral water bottle. Magsasalita pa sana ako ng nakita kong papasok si Sir Shawn sa canteen. Ang jowa ni Lori. Bigla akong tiningnan ni Lori na parang sinasabi na 'shh wag mo 'ko tuksuhin, ang daming estudyante' impit nalang ako natawa sa itsura niya sabay tumango. Nagtungo si Sir Shawn sa direksyon namin. Mabuti na lamang at walang pakialam ang mga tao sa paligid namin.

"Hi, bakit nasa labas kayo? Wala ba kayong prof?" tanong sa amin ni Sir Shawn habang pinandidilatan si Lori. Nako, umiiral nanaman ang pagkabaliw nito. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Hello po Sir, bumili lang po kami ng tubig" Medyo kinikilig pang sagot ni Lori. Bahagyang lumapit sa kanya si Sir Shawn. "Bumalik na kayo ng classroom babe, ngayon na. 'Wag ka na magpacute dito" Natawa naman ako sa sinabi ni Sir Shawn.

"Yes sir, babalik napo. Ako ng bahala dito kay Lori. Tara na Lori" sabi ko pabalik kay Sir Shawn. "Okay po. I'll text you nalang mwa" halos pabulong na sagot ni Lori, aba may pa smack pa sa hangin ang gaga. Isumbong ko kaya kayo?

Nauna na kaming lumabas kay Sir Shawn. Naglalakad na kami ngunit biglang natigil si Lori.
"Girl diba doon ang daan? Bakit tayo nandito? Mapapalayo tayo. Akala ko ba ayaw mong malate?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Eh kasi naman, kapag doon ako dumaan baka makita pa ako ni kuyang borta at pagtawanan ako. Nakakahiya talaga. "Wala girl, new surroundings naman" napairap nalang si Lori sa sagot ko. Konti nalang dudukutin ko na ang mata nito.

Nang makarating kami sa classroom ay agad kaming naupo ni Lori. Mabuti naman at wala pa si Ma'am Canlubo. Halos 11:20 na, malapit na rin mag lunch kaya sana ay 'wag na siya pumasok.

Nagdilang angel nga ako at hindi sumipot si Ma'am Canlubo. Kung sabihin ko rin kaya na sana di ko na makita si Kuyang Borta?

Nang mag 11:45 na ay lumabas na kami ni Lori. Halfday lang kami ngayon. Dahil na rin siguro na first day.
"Adri,di ako makakasabay sa iyo. Nagtext kasi si Shawn, sabay daw kami" Nakangiting sabi niya. "Okay lang naman diba?" Pagpapacute niyang tanong sa akin. "Oo naman, sanay na ako." Ganyan kasi ang gawain ni Lori kahit nung 1st year palang kami. "Yey! Thankyou girl, sabay nalang tayo pumasok bukas. Promise wait mo ako sa street ninyo" humalik pa muna si gaga sa pisngi ko bago siya umalis. Hay paano na ako nito? Ayokong dumaan sa may FSM building dahil baka makita ko nanaman si kuyang borta. Kainis naman.

Nagmamadali akong naglakad patungo doon sa kabilang daan papuntang canteen na nagdudugtong sa maliit na gate palabas. Eh kasi naman hindi ko alam ang gagawin ko kung makikita ko pa siya ngayong araw.

Nakalabas naman ako ng gate ng mapayapa. Salamat sa Diyos. Agad naman akong nakapara ng tricycle kaya dali dali akong sumakay. May tao sa loob kaya nagpasya akong sa likod nalang. Okay na 'to basta makaalis na ako sa eskwelahan mamaya makita kopa si Kuyang Borta.

"Hi!" ani ng lalaking nakaupo rin sa may likod ni kuyang driver.

Saan ko nga ba ito nakita?

Agad akong umupo sa tabi niya. Ako yung nasa may bakal na part. Ang saya.

"Uy hello!" ani uli ng katabi ko.
"Uhm, Hi?" iniisip ko pa rin talaga kung saan ko siya nakita.
"Ako ito si Raplh! Yung kasama kanina ni Lori, kaklase ninyo ako sa Philosophy" Agad akong napatango nung naalala ko siya. "Ah okay, Nice meeting you" sabay ngumiti ako.

For you, I willWhere stories live. Discover now