Mas maaga akong nagising kaysa sa alarm, medyo excited kasi first day ng klase. 2nd year college na ako and isa akong education student sa isang state univesity dito sa amin, Hindi kasi afford ng magulang ko na pag-aralin ako sa mga kilalang eskwelahan dahil ang tataas ng tuition. Hindi naman ako lumaking mayaman kaya kailangan kong magpursigi sa buhay.
6 am na at 8 am ang klase ko, may oras pa ako para magworkout.
Pagkatapos ko magworkout ay agad na akong kumain at naligo tsaka naggayak.
Mga 7:30 na, paalis na ako ng bahay. Isang sakay lang naman ng tricycle at makakarating na ako ng school.
"Nak, magiingat ka ha isabay mo na itong si bunso at ibaba mo nalang diyan sa may kabilang kanto, alam niya na ang daan" Sabi sa akin ng mama ko.
"Oh tara na Lewis, malelate pa ako." Naglakad na kami palabas sa may hintayan ng tricycle. "Ate bakit hindi mo kasabay si ate Lorraine?" tinatanong ni Lewis ang bestfriend ko.
"Nauna na, kasabay ang jowang teacher pumasok" pairap kong sinabi sa kapatid ko. Nakakainis kasi, usapan namin sabay kami papasok pero wala nauna na siya kasabay pa yung jowa niya, e kung isumbong ko kaya sila?
Nabalik ako sa wisyo ko nung may dumaang tricycle, agad ko itong ipinara. Akmang sasakay na sana ako sa loob nang nakita ko na may pasahero na pala doon.
"Lewis,diyan kana ako nalang dito sa labas" sabi ko. Ngunit nagulat ako ng bumaba ang isang matipunong lalaki, halatang nagggym na ito base sa laki ng mga biceps. May dalawa siyang malalalim na dimples. Cute.
"Ako na dito sa labas, diyan na kayo sa loob" tuloy-tuloy niyang sabi. Teka parang parehas kami ng uniform? Sa Marcelo State U. din ba siya nag-aaral? Gusto ko sana siyang tanungin ngunit sumigaw na ang driver.
"Iha ano sasakay ka ba? Malelate na itong sakay ko" Nako sungit naman. Tss
"Oho manong, ibaba niyo nalang po itong kapatid ko sa kabilang kanto tapos ako po sa may MSU""Lewis ingat ka ha" tipid lamang na ngumiti sa akin ang aking kapatid. Pagkababa ni Lewis ay agad na sumakay yung matipunong lalaki na sumakay sa likod, shet ang bango. Hahahahaa char bawal humarot, lagot kay mama.
"Uhm, taga MSU ka rin pala?" gulat ako ng nagtanong siya sa akin. Ay hindi kuya, kaya nga doon ako nagpapababa eh. Sura naman 'to, gwapo nga e medyo eeng-eng eng-eng naman.
"Ah, oo. Ikaw rin pala" tipid kong sagot at tsaka pasimpleng ngumiti. Ano ba yan adriella, lagot ka talaga sa nanay mo.
Bahagya akong napatawa sa naisip ko kaya agad siyang nagtanong. "May nakakatawa?" Bumalik ako sa sarili ko nung nagtanong siya. "Ah wala may naalala lang ako" sabay ako ngumiti.
Nakarating na kami sa tapat ng MSU. Bumaba na ako at nakambang kukunin na ang wallet sa bag ko ng biglang,
"Manong, dalawa na kami" sabay abot niya ng 30 pesos. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.
"Ah kuya, may pera naman ako. Bayaran nalang kita wait" nahihiyang sabi ko.
"Wag na" pilit ko sanang iaabot sa kaniya ang 15 pesos ngunit tumakbo naman siya papasok. Hay nakakainis, may utang na loob pa tuloy ako sa lalaking iyun. Pero somehow, thankful na rin ako dahil ipangpa-pamasahe ko nalang ito pauwi.
Nang makaakyat na ako sa building ng Education, nakita ko si Loraine na medyo nauuna lang sa akin at may kasabay na lalaki.
"Huy loraine!" sigaw ko. Agad naman siyang lumingon sa ginawa ko. "Ano ba yan girl?! bakit makasigaw ka diyan?" pagalit na sabi niya. "Lah, ang oa mo ha, Sino siya?" agad akong lumingon sa lalaki at itinuro siya upang itanong kay Loraine. Nako 'pag nakita ito mg boyfriend niya lagot ito doon. Baliw pa naman at sobrang possessive pa naman non kay Lori.
"Ah, blockmate natin si Raplh" nag nod nalang ako bilang sagot sa kaniya. Kung blockmate lang e bakit niya kasama? Nawala ako sa iniisip ko nung nakita ko nanaman yung lalaki kanina na nakasabay ko sa tricycle. Tumatakbo siya patungo sa hagdan at halata mong nagmamadali. "Girl, kilala mo ba yun?" turo ko kay Lori. Baka lang naman kilala niya, balak ko kasi sanang bayaran yung 15 pesos. Kahit naman natuwa ako e ayoko ng may utang na loob.
"Asan siz? Sayang di ko nakita ang mukha pero borta ha, bet mo?" Pang-aasar niyang sabi.
"HINDI NO!! Nakasabay ko lang siya sa tricycle kanina" Iritadong sabi ko.
"Ayan ha, you're so OA nagtanong lang naman ako" sabay irap niya.
Agad namang nagsalita yung lalaking kasama niya. "Uhm, Alis na ako. Bye na Lori tsaka.." tumingin siya sa akin kaya agad akong nagsalita. "Adriella" ngiting sabi ko. "Tsaka Adriella, alis na ako" Nag wave na siya sa amin at tuluyan ng nakaalis.
Pagkaalis na pagkaalis niya ay inusisa kona si Lori, "Sino 'yon girl?" saktong pagkatanong ko sa kaniya ay nakarating na kami sa classroom. Kaunti palang ang mga estudyante kaya may pagkakataon pa kaming magusap.
"Siya si Raplh, kaklase natin sa philo. Natapunan ko ng kape yung uniform niya kaya nagpunta kami sa faculty para humingi ng bago tapos ayun nakita mo na kami. Okay na bang explanation 'yon mama adri?" Masungit niyang sagot. Natawa nalang ako sa itsura na nakasimangot habang sinasabi iyon "Oh, easy girl nagtanong lang ako kasi baka makita kayo ng baliw mong jowa. Mahirap na" Napairap siya sa sinabi ko. Sus totoo naman baliw ang jowa niya, kahit nga yung kagrupo lang namin sa thesis last yr e pinagseselosan. Parang gago lang."Eh ikaw? Sino si Mr. Borta na tinutukoy mo kanina? Bet mo no?" pambawing tanong niya sa akin. "Hindi nga, nakasabay lang namin ni Lewis sa tricycle" at kinwento kona sa kanya lahat at kung bakit ko tinanong sa kaniya kung kilala niya ba iyon. "Girl kunyari kapa, Anong ibabalik ang 15 pesos? Gusto mo lang talaga siya makita ulit" natatatawa niyang sabi. "Eh sakin nga may utang ka pang 230 pesos binalik mo na ba? Palusot mo Adriella" Tawa pa rin siya ng tawa. Napairap nalang ako sa inis. Dumating na rin naman ang prof namin kaya medyo di nako inasar-asar ni Lori.
BSE Social Studies ang kurso namin ni Lori, mabuti nalang halos buong sched ay parehas kami. Tila sa World History at Civilization 1 lang ang subject na 'di kami magkaklase.
Its 11 am na ng natapos ang subject na iyon. Dalawang beses lang kasi sya sa isang linggo kaya medyo turong-turo ang prof namin.
"Tara Adri bili tayo tubig sa baba. Malapit na rin naman na maglunch, mag aannounce lang naman si Ms. Canlubo ng mga usual na paalala kapag first day." pangdedemonyong aya sakin ni Lori. "Bwisit ka, sige saglit lang ha. Pag tayo napagalitan lagot kapa sakin" sabi ko. "Aye,aye" yan lamang ang tugo niya sa akin.
Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang FSM building. Madadaanan mo naman talaga iyon kapag sa canteen ang punta mo.
Busy si Lori sa phone kaya nilinga linga ko nalang ang paligid. In fairness, ang fefresh ng mga pagmumukha ng mga lalaki na nasa FSM ngayon. Last yr kasi e para silang mga buteteng puyat, mukang nakakatulog tulog na sila ng maayos ngayon. Agad naman akong natulala nung may kumaway sakin mula sa loob. Si kuyang borta pala, huh? Bakit niya ako kinakawayan? Nakakahiya man pero kumaway ako pabalik. Nagulat nalang ako nung lumabas siya at tumungo sa...
likod ko. May babae siyang inabutan ng kung ano. shet, pota di pala ako yung kinakawayan niya. Amfeeling mo Adriella!!
Nakakahiya amp. Nakangiting tumingin siya sa akin at bago pa siya makapagsalita ay tumakbo na ako at nagmamadaling hinigit si Lori patungo sa canteen.

YOU ARE READING
For you, I will
Ficção AdolescenteNangako tayo na hanggang dulo pero ako nalang siguro ang magtutuloy. Dahil kagaya ng araw, lulubog ka din at sisikat sa iba.