Kabanata 5

241 13 2
                                    

Kabanata 5

Shame




"Ma? Puwede ba kaming mag-overnight ng mga classmates ko dito sa bahay, this coming Saturday?" paalam ni Kuya Kallum kay Mama habang pansamantala kaming kumakain ng dinner.




Napaubo naman ako ng wala sa oras sa kaniyang sinabi kaya't mabilis akong inabutan ni Ate Elis, ng baso ng tubig.




"Ayos ka lang?" tanong ni Ate sa akin.




"Opo Ate. Thanks." sagot ko pagkatapos kong malagok ang baso ng tubig.




Sinulyapan naman ako ni Kuya na nangungunot ang noo saka tinaasan ako ng kilay. Judger rin talaga 'to eh.




"Dahan-dahan lang sa pagkain iho..." si Mama habang hinimas ang aking likod.




"Opo, Ma."




Mama just smiled sweetly at me at then she bore her eyes on Kuya Kallum. Binaba niya muna ang hawak na kubyertos saka pinahidan ng tissue ang kaniyang maninipis na labi, na namana ko pa sa kaniya bago nagsalita.




"Yes anak, they are welcome here in our house. Ano ba gagawin niyo? Project? Or just random sleepover?"




"Ah, for our research paper Ma. Tatapusin na kasi namin. Malapit na kasi 'yong defense eh, saka may printer rin dito na magagamit namin kung sakali." ani Kuya.




Tumango-tango naman si Mama pabalik.




"Sure hijo, walang problema sakin. May seminar rin kasi kaming dapat daluhan this week and three days rin 'yon. So, it would be a great idea for your classmates to come. Mabuting may kasama kayo rito, nais ko sanang isama si Kelian. Pero, dahil marami naman kayong matutulog dito panatag akong iwan ang kapatid mo." si Mama at sinulyapan ako ng titig.




"That's great, Ma. Good decision!" sabi ko. Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki sa kaniya at nag approve pa para ipakitang magandang ideya nga 'yon.




I don't want to go again with Mama on his tiresome and boring seminars. Ayoko. Mas mabuti pang maiwan nalang ako rito sa bahay kasama ang mga kaklase ni Kuya kaysa samahan siya roon. Noon, masaya pa, kasi bata pa ako at ayaw kong humiwalay sa kaniya. But now that I'm getting older, nare-realize kong sobrang boring pala non. Isipa'y, ngayon lang naman ako hindi makakasama sa kaniya pagnagkataon.




I heard Kuya tsked. Rejecting the idea. "Bring Kelian with you, Mama. Wala namang gagawin 'yan rito kundi maglikot." paratang ni Kuya at tinaasan ulit ako ng kilay.




My jaw dropped. What? Maglikot? Duh, baka nga magkulong lang ako sa kuwarto ko kapag nariyan na ang mga kaibigan niya no. Lalong-lalo na kapag kagrupo niya si b-baby este Ajax pala.




My cheeks suddenly flushed red at the memory of Ajax and his husky voice saying that endearment after he left me hanging.




"I won't Kuya! Sa kuwarto lang ako at hindi lalabas. You can do your thing here. Di ako magiging istorbo sa inyo." pangrarason ko.




"Puwede ka sa kuwarto ko tumambay Kelian. Para may kausap ka." sabat naman ni Ate Elis.




Mom nodded. "Puwede nga nak, 'don ka sa kuwarto ni Elis para naman 'di ka maburyong rito buong gabi. O subukan mong makipagkaibigan sa mga classmates ng Kuya Kal mo. Kuya will give you a hand for sure. What do you think, Kallum?" mababang boses na suhestiyon ni Mama saka sinulyapan ang nakakatandang kapatid na nakabusangot.




Kissed Under The Sunset (BxB)[MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon