Kabanata 18
Quenched
"Uy Mister Hidalgo, hintayin mo naman kami!" tinig iyon ng isang kaklase. Na umalingaw-ngaw sa exit ng gymnasium.
Napaikot ako ng mata pagkarinig niyon. "Walanghiyang Immilda." mura ko sa isip. Alam na alam ko, dahil sa mga kaklase siya lamang ang may matinis na boses.
I stopped from stepping. Hurriedly, I scanned the place in an abrupt manner. Hinananap ang mga Senior high, sa dagat ng tao na maaring nakadinig ng sigaw. Mabuti na lamang ay wala. Suminghap ako.
Wala ngang mga grade twelve sa gawi namin ngunit hindi naman maiwasan mapayuko, nang mapatingin ang mga lower batch sa aking puwesto. Nagkukunutan ang noo. Napapatanong siguro sa mga sarili, kung bakit tinawag akong Hidalgo, kahit na alam naman nilang Ignacio ang aking apelyido. Eh paki ba nila? Char.
I averted my eyes on them and focused my sight back to my nosy friends. I glared at them. Specifically to the loudest one.
"Shut your damn bad mouth, Milda!" medyo gigil na suway ko. Saka ko siya hinigit palayo at lumiko sa kabilang daanan. Sa parte, na kakaunti lamang ang taong dumadaan. Sumunod naman samin ang pinsan at si Via.
Natatawa pa ang gaga habang kinakaladkad ko siya. Kaya mas hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang palapulsuhan. Yong tipong mamumula pag naalis?
"Awww! Ouch! Relax kalang gurl. Hindi naman nila alam. Kami lang naman ang ipinagsabihan mo tungkol riyan diba? Aww!"
I glared at her even more. "Tumahimik ka, nanggigigil ako sayo!" asik ko. Binitawan ko lamang siya ng nasa tapat na kami ng isang umbrella, malapit sa labas ng klasrum.
"Ouch ha! Dahan-dahan naman gurl." reklamo niya ng tinulak ko siya paupo. "Look, namula ho!" sabay pakita niya sakin ng palapulsuhan.
I raised a brow. "Ano ngayon? Deserved mo 'yan. Kati ng bibig mo e." patutsada ko, humalukipkip at tinitigan siya ng matalim.
"Masakit?"
"Oo. Masheket..." aniya at ngumuso. Nagpipigil ng halakhak. Kitams? Napailing ako.
"Whatever you bitch!" sagot ko saka umikot para balingan sina Coleen at Olivia na nakasunod na.
"Oh Kelian? Biyernes santo girl?" puna ng pinsan na nakangisi pa.
Nagtaas ako ng kilay. Ngumiti, ngunit alam nilang sarkastiko 'yon. "I'm very sure that todays Monday. Nicoleen..."
"Ay iniba na pala?" singit naman ni Milda. Bumaling ako sa kaniya ng may matalim na mata. She pursed her lips and shut it.
Tumawa si Coleen. Sumabat naman ang isang kaibigan.
"Quit it the two of you. Kita niyong busangot na nga mukha. Don't state the obvious." si Via na lumapit sakin at kumindat.
"Che. Pa close na 'to..." sabi ko. Ngumisi na kay Via. Ngumuso naman ang maganda kong kaibigan sa akin.
"Sympre. Soon to be Sisters na tayo kapag naging kami na ni Kuya Kallum ano." walang hiyang aniya saka tinaas pa ang plakadong kilay at humagikhik.
Habang ako'y, napanguso na naiiling nang mahagilap ang nakahalukipkip na nakakatandang kapatid, sa likuran ng kaibigan, na may supladong matang nagyeyelo kahit sobrang init ng paligid. Nasa gilid naman niya si Jax na nakapamulsa at diretso ang titig sakin. His emotion is the contrary of Kallum. I smiled sheepishly at him.
BINABASA MO ANG
Kissed Under The Sunset (BxB)[MPREG]
RomanceConsolacion Boys Series #1: Kelian Emory Ignacio.