"Mari? party tonight?" tanong ni Natasha, isa sa ka team ko"Chat kita mamaya" nakangiti kong sagot habang nagpupunas ng pawis, kakatapos lang namin magtraining ng volleyball kaya medyo nagpapahinga pa ako bago magshower
"Come on, celebration natin yun" pagyayaya niya
"For?"
"Hmm, para sa pagiging magaling natin sa game" sabi niya kaya natawa na lang ako sa kanya
"Wala talaga ako sa mood magparty e, maybe next time" sabi ko at kinindatan siya
"You're so KJ Mari! punta na tonight, lahat ng teammates pupunta" excited na sabi ng isang kateam ko na si Lori na kakalapit lang, kakatapos lang magshower
Pero baka busy ate ko, sinong magbabantay sa shop? tanong ko kaya? gusto ko rin mag-inom mamaya e
Namiss ko alak, alak naging kakampi ko nang iwan niya ako e. Ay ano ba yan! siya nanaman nasa utak ko! tsupe! umalis kana nga sa isip ko! bwisit
"Party! party! party!" sabay nilang sabi at pumapalakpak pa
"Kasama mga boys, for sure nandun din yung friend mo na si Ramil, tapos isama niyo na din yung dalawang friend niyo sa basketball team" kinikilig na sabi ni Lori
Tamang tama, papalapit sa gawi namin si Ramil, kakatapos lang din ng training nila ng volleyball sa boys
"Uy Ramil! party tonight!" yaya ni Natasha
"Uy pass ako hehe, busy eh" sabi ni Ramil habang nagkakamot sa ulo
"Ikaw nalang kasi Mari, sige na please" sabi ni Natasha na nag-pout at puppy eyes pa
"Next time" sagot ko, payag na sana ako kung kasama si Ramil, kasi mahirap na, wala akong kasama pag malasing. Nagpaalam na muna ako sa kanila dahil magsa-shower na ako
"Your ex will be there" habol ni Ramil sa akin nang maglakad na ako papuntang shower room
"Sino sa kanila?" biro ko at dumeretso na papasok para di marinig ang sagot niya
Marami akong ex, pero kilala ko kung sinong tinutukoy niya. Napaisip tuloy ako kung pupunta ako o hindi, pero para saan pa kung pupunta ako? ang martyr ko naman kung ganon? pero kung tumanggi ako, baka isipin niya na affected pa din ako, pero NO!
No no no, basta busy ako! at ayokong makita yung lalaking yun
Hell no, Lorenzo...
. . .
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari