"Galing mo naman Jiya" papuri sa akin ni Chino nang matapos ako sa pag-kanta"Uy! salamat" masayang sabi ko, binalingan ko si Kye pero nakatingin pa din siya sa harap ng stage, umubo ako kunwari para mapansin niya, pero hindi pa rin siya nalingon sa gawi ko, sa pangalawang pagkakataon, nilakasan kona ang pag-ubo ko, nang lingunin niya ako ay agad ko siyang nginitian "So... anong masasabi mo sa boses ko?" malakas ang kompyansang sabi ko
"Okay lang" sagot niya at nag-kibit balikat sus, nahuli nga kitang napanganga
"Sabi mo e" sagot ko at nag-kibit balikat din
Nang matapos ang kantahan at pagbibigay ng message at kung ano ano pa, kumain na rin kami sa wakas
"Wow! ang sarap! sino nagluto nito?" sabi ko at binalingan sila Kye at Chino, dahil sila lang ang kasama ko sa table, ibinilin din nila Ate Kiara na samahan nila ako dahil yung Ate Rema ko ay kasama ng mga kaibigan nila
"Yung chef, malamang" pabalang na sagot ni Kye
"Hmm..." sagot ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain
"Stop it please" baling sa akin ni Kye nang higupin ko ang sabaw na may halong tunog, agad ko namang dinahan dahan ang paghigop at pagnguya, pero di talaga maiwasang tumunog kaya nginitian ko nalang sila
Nang matapos ang kainan, nagsikantahan na ulit sila, sinasabayan ng mga tao ang kanta ng bandang natugtog sa harap, kahit ako ay nakikisabay din sa tugtog. Napansin ko din na nag-uuwian na ang mga may edad na, kaya ang mga natira na lang ngayon ay mga kasing-edad nila Ate Kiara, at malalapit sa age namin. Halos lahat ata sila may hawak hawak sa kamay na alak
"Ikaw! ikaw Jiya Mari! wag mong masyadong i-pressure sarili mo pag college na! lalo na pag graduating ha!" sigaw sa akin ni Ate Rema ng makalapit sa table namin nang lasing na lasing
"Pinagsasabi mo, lasing kana oh" sabi ko at hinampas ang braso niya
"Ouch! sasaktan mo din ako?!" sigaw niya ulit sa akin
"Ewan ko sayo!"
"Sinaktan na nga ako ng crush ko" pahina ng pahinang sabi niya, natawa ako bigla, paano, graduating na 'tong ate ko pero nasa stage pa lang ng pagkakaroon ng crush, NBSB
Agad akong natawa ng sumunod si Ate Kiara na may dala dalang mga drinks, mukhang dito naman sa table namin magiinuman, agad namang kinuha nila Kye at Chino ang tig isang bote, kumuha na lang din ako ng akin, kahit isa lang siguro ngayon
"I'm sorry kung nakita mo 'yon Rema" sabi agad ni Ate Kiara habang kino-comfort si ate
"Ano bang nangyare Are Kiara?" tanong ko
Napa-buntong hininga muna siya bago bumaling sa akin "Hindi ko naman sinasadya na ma-imbita si luis"
"Crush nito?" tatawa tawa kong turo sa Ate kong nakatingin sa kawalan
"Hmm, nalaman niya kaninang girlfriend na pala ng classmate namin"
"Aw" sabi ko at inasar pa lalo si Ate na ngayon na maiiyak iyak nanaman "Manahimik kana 'te, daming nanliligaw sayo tas gaganyan ka lang diyan?"
"Iba si Luis! since high-school, crush ko na 'yon" agad niyang sagot sa akin, tinarayan ko lang siya
"Luis? you mean, captain ball dati?" singit ni Kye
"Oo at captain ball sa puso ko" sagot ni Ate at napa-hawak pa sa puso niya
"Baliw kana" mahinang sabi ko
"Did you know that he's a babaero?" tanong ulit ni Kye
"Alam ko, okay? basta crush ko pa din siya!" pagmamaktol ni Ate, iba talaga ang tama ng alak
"Marami talagang Captain ball na mahilig sa babae" natawa ako sa nasabi ko, naalala ko din kasi si Benedict, ang daming kalandian
"Watch your words" agad akong napaamang sa naging reaksyon ni Kye
"Natamaan ka? ilag ka din kasi"
"Tss, di ko hobby ang magkaroon ng madaming babae"
"Okay..." agad akong napaisip at pinanliitan siya ng mata "So, captain ball ka din?"
"Malamang, stupid" masungit niyang sabi at iniiwas ang tingin
"Tigil-tigilan moko kaka-stupid mo ha, kung ayaw mong ipa-bugbog kita sa mga Tropa ko" mayabang kong sabi at nang lingunin niya ako ay pinagkunotan niya ako ng noo na para bang nandidiri siya sa akin
"Oh my.. luis..." maoy nanaman si Ate Rema
Halos alas 12 na nang kumonti ang mga bisita, ang ate ko at si ate Kiara ay lasing na lasing na, bagsak ma bagsak na, gaya ng sinabi ko kanina, isa lang ang iinumin ko kaya okay na okay pa ako, ang iba ko pang kasama sa table ay halos naka-tatlong bote lang
"Gusto niyo bang ipahatid namin kayo pauwi?" tanong ni Chino nang halos kami na lang ang matira sa party
"Naku, hindi na, susunduin na kami ng mga kaibigan ko" sagot ko at ipinakita ang group chat namin na halos kakachat ko pa lang din na sunduin niya kami, agad ko ding isi-nend ang address
"Anong sasakyan niyo?" tanong ni Chino
"Motor"
"E kaya ba ng ate mo umangkas?" tanong niya ulit, napaisip agad ako sa sinabi niya syempre hindi, bagsak na bagsak ba naman e "Ahm, kung gusto mo, sa guess room na lang siya matulog? sabihin ko kay ate Kya" napaisip ako at agad na tinawagan si kuya Jeremy, hindi sana siya papayag pero sinabi kong bagsak na bagsak na si Ate kaya pumayag na lang siya
"Salamat ate Kiara, pasensya na din" sabi ko nang maihatid na si Ate sa guess room nila
"No worries, sanay na din naman dito matulog yun" sagot niya, nagpaalam pa ako saglit at nagpaalam din kay Ate kahit na puro tango lang ang sagot niya
Nang makalabas ako ay nag-hintay lang ako sa labas ng gate at sumandal sa kotse nang mangalay. Kalmado ako lagi kapag naka-tingin sa langit, lalo na pag maraming stars at kapag half moon
"Okay, pauwi na" napalingon agad ako sa gate nang makarinig ng pamilyar na boses, at tama ako ng hula, si Kye
"Uy, uwi kana?" nakangiting sabi ko at napaayos ng tayo
"Obvious ba?" sarkastikong sagot niya, napangiwi lang ako
"Okay, ingat ka" sabi ko at itinuon na lang ang atensyon sa cellphone ko pero agad akong nag-angat ng tingin ng tumikhim siya "Oh? akala ko ba uuwi ka na?" tss kaya pala wala akong naririnig na tunog ng sasakyan
"How can i go home kung naka-sandal ka sa kotse ko?" sabi niya at naglabas ng pilit na ngiti sa bibig
"Oh, eto na po" sagot ko at pumunta sa gilid para mabigyan siya ng daan "Gwapo sana kaso masungit" mahinang sabi ko habang tinitignan mga kuko ko
"Ano?" masungit niyang baling sa akin
"Ang sabi ko po, gwapo ka sana, bingi lang hehe" sagot ko at napakamot pa sa ulo kunwari
Pero mas gwapo siya pag masungit
. . .
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari