Dumeretso na ako sa counter para kunin ang iba pang order, after non nagpaalam na ako nang makauwi na, kinuha kona ang cellphone ko para makapagchat sa group chat namin magkakaibigan
Tropapits :P
Jiya: Napakatagal naman po ng sundo ko :(
Ilang minuto pa bago sila magresponse juskopo! busy nanaman siguro kakalaro
Benedict: Sorry madam
Ramil: Nakabihis na nga ako e, kakagising ko lang
Jiya: F.O na nga
Ramil: Sorry na madam
Jiya: tatawagan kita benny
Benedict: Putcha, kumalma ka, naglalaro ako
Natatawa ako habang nakaupo sa upuan, hahahahaha! akala niyo ha
Jiya: sige maglalakad na lang ako :'(
Benedict: ito na papunta na
Ramil: Otw, tulog na ata si miguel
Miguel: Eto na, sorry naglalaro kami ni Ben
Ilang minuto pa ako nag-antay bago sila dumating, nakapangalumbaba lang ako, inaasar sila sa labas dahil ayaw nilang pumasok
"Putcha naman, halika na" sabi ni Ramil habang nakasilip lang sa pintuan, natawa pa ako ng sitahin siya ng isang staff "Sorry po, magsusundo lang ng kinder"
Lumabas na ako, dahil mukhang bagot na talaga sila, halos hating gabi na din kasi. Agad naman binuhat ni Miguel ang bag ko
"Di ako inaaya niyang dalawang yan sa laro oh, mga hayop" inis na sabi ni Ramil sa dalawa
"Sinong natulog agad pre?" sabat ni Ben
"Edi sana inupdate niyoko pre"
"Nagkayayaan bigla e"
"Sus, ayaw ka talaga nilang kasali" panggagatong ko
"Napakapanget ng ugali" sabi ni Ramil
Maya-maya pa may nakita kaming lalaki na binubugbog ng apat na lalaki
"Tsk tsk, may bago nanamang biktima 'tong sila Gelo" sabi ni Miguel habang nailing
"Nanghuhuthot nanaman" si Ben
Iniwasan lang namin sila, at nilampasan, pero di pa kami nakakalayo sumigaw na yung lalaking binubugbog
"Help! please! help!" hirap na hirap na sabi nung lalaki
Nagkatingingan kaming apat, tinanguan ko lang silang tatlo, at lumapit na sila kila Gelo at kinausap, pero mukhang matigas ang ulo netong Gelo na 'to at nagkasapakan na sila. Agad ko namang inalalayan patayo yung lalaki para mailayo dun
"Hey, i know you" hirap na hirap na sabi ng lalaki, teka? siya yung sa coffee shop ah?
"Uy! ikaw yung masungit sa coffee shop diba? tignan mo nga naman ang mundo napakaliit" sabi ko at nginitian siya ng pagkatamis tamis
"Tumawag ka ng pulis... here's my phone" sabi niya at agad na ibinigay sa akin ang cellphone niya dahil hirap na hirap na siya
"Wag na, mangaabala kapa ng pulis, busy sila dun sa station no"
"What? unbelievable!" sabi niya at nakahawak pa din sa tiyan niyang napuruhan kanina
"Need niyo tulong ko?" sigaw ko, pero walang sumagot sa akin "Okay! Go babies!! Go babies! Go mga alaga ko!!" pag-checheer ko
YOU ARE READING
STUCK ON YOU
RomanceSa lahat ng lalaking mahalaga at importante sa buhay ko, isa lang ang pinaka-paborito ko, yun ang lalaking nakatatak na sa isip at puso ko na mas lalo ko pang minamahal... -Jiya Mari